Advertisers
KUNG kilala mo ng personal o kakiskisan ng siko ang tinaguriang alamat ng online sabong/e-sabong na si Charlie “Atong” Ang, it’s either you LOVE him or you HATE him. No in-betweens.
‘Yan po ang personalidad ng mamang ito na ipinaglihi ata sa kontrobersiya ano man ang kanyang pasukang opisyo.
We knew Atong Ang longtime ago noong siya pa ang may pa-sabong sa pamosong San Juan Colesium.
Ofcourse every knew that Atong Ang is a boson frriend of former President Erap Estrada.
Nang magka-letse letse ang career ni Erap,damay si Atong Ang at nakulong pa nga sa America.
Walang nag- akala na muling makakabalik sa mainstream itong si Double A sa kanyang gambling empire.
May ilang panahon ding naghibernate si Atong Ang makaraan makauwi ng Pilipinas.
Boom isang araw,muling namayagpag ang tikas ni Atong upang pagharian naman ang daigdig ng bigtime sabong/derbies.
Siya lang ang nakaisip ng idea na maglagay ng ruweda ng sabong sa pamosong Resorts World Manila,isang 7-Star luxurious hotel & casino thus born the Pitmasters era.
And the rest is history!
Nang isilang ang legal na online sabong na pinamamahalaan ng Philippine Amusement & Gaming Corporation (Pagcor),wala nang nakapigil pa para maging isang certified multi- billionaire ang isang Atong Ang.
Malaking halaga rin ng buwis ang kinikita ng gobyerno sa pet project na ito ni Atong na sadyang henyo pagdating sa mga diskarte patungkol sa sugal.
Sa laki ng kanyang kinikita,inilalaan ni Atong Ang ang halos singkuwenta (50) porsiyento sa kanyang income sa charity at civic works.
Ofcourse again along the way,maraming indibidwal ang na- offend ni Atong na nagtanim ng matinding galit at inggit sa mama.
We are not surprise at all dahil ‘ yan naman talaga ang pinaka- negatibong traits nating mga Pinoy.
Ang mainggit sa mga taong nakikita natin umaasenso at nagtatagumpay sa kanilang buhay.
Ito rin marahil ang pangunahing dahilan kung bakit marami sa mga mambabatas nating sa Kongreso ang nagnanais na ipatigil ang online sabong ni Atong Ang.
Inggit ang umiiral sa kanilang mga puso at personal na interest ng mga ito ang nasagasaan.
Ayon sa mga mambabatas,ang online sabong ay nagtutulak lamang sa ating mga kababayan sa pagkawasak ng kanilang buhay at mga pamilya.
Nagcite pa ang mga congressmen natin ng mga insidente ng suicides sa mga taong nalulong at nalublob ng todo sa sugal na ito.
Pero ang tanong,di ba naman from the very start batid naman nating lahat na ang ano mang uri ng bisyo ay masama kung ito ay di kayang dalhin in a moderate mode?
Ang alak,sigarilyo at ang sugal ay pawang mga bisyo na pinapahintulutan ng gobyerno na may mahigpit ng superbisyon at gabay.
Sapat na ang mga inilatag ng safety net and regulations sa online sabong upang ito ay makontrol sa tamang proseso.
Ang hangarin ng ibang kongresista na ito ay ipatigil at patayin ang operasyon ay lubhang kaduda duda.
Paano naman ang mga taong natutulungan ng online sabong at ng modern-day Robinhood na si Atong Ang?
Sino ang sasalo sa mga nangangailangang mga taong ito sa oras ng kanilang matinding pangangailangan?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com