Advertisers

Advertisers

Maymay napagkamalang tsimay dati ng isang personalidad

0 504

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Sa YouTube channel ni Mimiyuuuh, naging panauhin si Maymay Entrata.

Sa kanilang mukbang, sumalang si Maymay sa kakaibang challenge na sinagot niya ang ilang mga nakakaintrigang tanong sa kanya sa nasabing vlog.



Isa sa mga naitanong sa kanya ay tungkol sa kanyang hindi makakalimutang karanasan sa pag-aartista.

Bagama’t hindi raw naman niya umano maituturing na bad experience iyon, medyo nagmarka raw sa kamalayan niya ang naging engkuwentro sa isang personalidad na hindi niya pinangalanan.

Bukod sa inirapan daw siya nito ay sinipat siya nito mula ulo hangggang paa.

Naganap umano ito noong kakalabas pa lamang niya sa Pinoy Big Brother nang pumunta siya sa ASAP upang makita ang mga artista.

“Uy buti na lang wala. Pero hindi naman yun bad experience talaga na sinigawan ako or minalditahan ako. It’s more like yung tingin sa akin. Kasi di ba kakalabas ko lang ng PBB tapos sobrang excited ako makita yung iba’t ibang artista. Pumunta ako sa ASAP Natin ‘To tapos nagpa-picture ako sa mga artista tapos itong isa, gusto ko sana magpa-picture. Bago ako magpa-picture ginanito niya ako ‘day,” ani Maymay.



May ilan namang kibitzers na nag-opinyong hindi raw kaya napagkamalang tsimiaa si Maymay kaya ito natarayan ng nasabing personalidad.

Sa ngayon, abangers pa rin ang MayWard fans kung muli silang magtatambal sa isang proyekto after Princess Daya-Reese na palabas na rin sa Netflix.