Advertisers
Patay ang isang binata nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga gunmen sa loob mismo ng kanilang bahay sa San Andres, Quezon noong araw ng Pasko.
Kinilala ang biktima na si Randy Mendoza, residente ng Barangay Camflora.
Batay sa report ng San Andres police, 6:00 ng gabi, nagluluto ng hapunan sa kanilang bahay ang biktima nang pasukin ng tatlong armadong kalalakihan na pawang naka-bonnet at pinagbabaril ito.
Inaalam pa ng otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.