Advertisers

Advertisers

P86K nalimas ng kawatan sa Dunkin’ Donut

0 265

Advertisers

Pinasok ng mga hindi pa nakikilalang mga kawatan ang isang tindahan ng Dunkin’ Donut sa Quezon City.

Batay sa imbestigasiyon ni PSMS Glenn Mark Gumabay, papasok para mag-duty ang staff na si Angela Pana, nang madatnan nitong magulo sa loob ng tindahan, habang inaayos ang natumbang mesa at upuan, napansin nito ang butas sa dingding at doon na niya naisipang tignan kung may nawawala sa kanilang tindahan.

Natangay naman ng mga suspek ang mahigit P86,000 pesos na kinita ng naturang tindahan. Agad namang humingi ng tulong si Pana sa mga opisyal ng barangay.



Masusi pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente para matukoy ang mga kawatan.