Advertisers

Advertisers

Julia todo-kayod, naghahanda na sa pagbubuntis sa 2022; AJ kumportableng walang plaster sa love scenes

0 350

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TODO kayod si Julia Barretto at happy ito at may 2 siyang pelikula na nagawa this year  at may serye pa sa TV5.

Suwerte nga ni Julia may career na at may lovelife pa.



Wish naman nito na more films next year  at  gusto nitong mag-work nang mag-work para makaipon para sa magiging anak.

Tumatanda na nga rin daw siya at gusto nitong may ipon for future if ever magka-family na ito.

Sa katunayan may invest naman siya na isang fashion online na Juju Club at marami pa raw itong gustong i-invest.

Hindi na nga idinetalye ng actress-vlogger kung anu-ano pang investment ang kanyang balak itayo.

Samantala, may netizens naman ang nag-ask kung ano nga ba ang sekreto at napakinis nito.



Gravecious daw ang hygiene nito from head to toe kaya kita ang resulta sa kanyang aura.

Patotoo pa nito na kapag may 2 or 3 pimples na siya ay feeling nito ay hindi na siya smooth.

Sa nakaraang Pasko ay mamahaling relo naman ang regalo nito sa sarili.

***

KUNG dati nga raw ay nagpla-plaster pa sina AJ Raval at Sean De Guzman sa pelikula nilang Nerisa At Ako para takpan ang mga pribadong parte ng katawan.

Sa pangatlong film na ginawa nila ay never na nga raw nagpalagay pa ng plaster sina AJ at Sean.

Wala naman sila care kung magkakakitaan man sila ng kani-kanilang private part.

Ganun na raw sila kakomportable sa isa’t isa ng kanyang kaibigan na si Sean kung ituring ni AJ.

Nagulat naman ang netizens kung bakit di na si Aljur ang kasama ni AJ nung Pasko at ito na ngang si Sean.

Frienda lang daw sila talaga ni Sean at dedma  na si AJ regarding kay Aljur na tila biglang nawala sa scene.

Well, well, well…’Yun na!