Advertisers
HULING araw ngayon ng malas na taon 2021.
Oo! Ngayong gabi ay sasalubungin natin ang Bagong Taon 2022 nang may ngiti, saya at puno ng pag-asa na maging mabuti ang taong ito para sa ating lahat. Mismo!
Pero ang papasok na taon ang pinakamainit dahil panahon ito ng politika. Maghahalal uli tayo ng bagong lider, Presidente at Bise Presidente, para sa sunod na anim na taon simula sa Hunyo 30. Gaganapin ang halalan sa Mayo 9, limang buwan mula ngayon.
Kasabay sa paghalal ng Presidente at Bise ang 12 senador na manunungkulan din ng anim na taon.
Gayundin sa lokal, eleksyon para mga konsehal, bise alkalde, alkalde, gobernador, bise gobernador, mga bokal, at kongresista para sa tatlong taon na panunungkulan.
Ito na ang pagkakataon para inyong palitan ang mga naging inutil o hindi tumupad sa kanilang tungkulin nang ihalal ninyo sila noong 2016 (national) at 2019 (local).
Sigurado nakita na ninyo ang klase ng pagkatao ng mga hinalal ninyo nang pumutok ang pandemya ng Covid-19, kung sino-sino ang mga nagtrabaho o umayada sa inyo nong lockdown at kung sino ang mga hindi nagpakita sa inyong lugar.
Yes! Ang mga inihalal ninyo na walang ginawa sa panahon na kayo’y nagugutom dahil sa pandemya, huwag nyo nang ibalik pa.
At yung mga nagtrabaho para magkalaman ang inyong sikmura noong mga lockdown ang inyong lugar, tulungan natin silang makabalik sa puwesto, magkaroon ng panibagong termino. Sila ang mga tao na dapat pagkatiwalaan sa pamumuno. Mismo!
Ang mga bagong kandidato naman na sa tingin ninyo ay maaasahan, may vision para sa pag-asenso ng inyong lugar, bigyan ninyo ng pagkakataon. Dapat!
Again… HAPPY NEW YEAR sa lahat. Salubungin natin ang Bagong Taon nang ligtas, iwasan ang humawak ng anumang paputok. Kay misis nalang tayo magputok, Ehek! Mag-torotot nalang pala tayo para safe. Hehehe…
***
Inuulan ako ng text tungkol sa kandidatura sa pagka-mayor sa Maynila ni Atty. Alex Lopez. Anila, full support sila sa anak ni late ex-Mayor Mel Lopez.
– Joey, sa mabuting pamilya galing yan si Alex. Wala kaming masabi dyan, liban anak ‘yan ng taga-Tundo na si dating Mayor Mel Lopez. Si Honey dinala lang namin yan dahil kay Isko. Pero ngayon iiwan na namin siya. – ….8124
– Balik puwesto uli lahat ng vendors sa sidewalk. Lahat ng illegal parking, squatters na barangayhall sa sidewalk/street. Walang peace and order. Kay Alex Lopez ako!!! – …0219
– Boss Joey, kung ako ang tatanungin: Si Lopez po, ‘wag na si Lacuna. – …2810
– Joey, gusto ko si Atty. Lopez ang pumalit ke Isko na mayor ng Maynila – …5596
– Kay Atty. Alex Lopez kami dito sa 6th district of Manila – …2280
– Joey, Isko kami sa pamilya Buan, taga-Sampaloc. Honey kami 50 all ang Buan’s family. – …1947
– Ako po si Alejandro Magno Reynaldo, 64 yrs old, taga-5 distrito ng Maynila. Kay Lopez po ako sa pagka-mayor ng Maynila. – ….9825
– Sir Joey, gusto po naming taga-Maynila mayor si Alex, hindi salbahe sa mga vendor. Tatlong taon kaming ginutom ni Isko. Puwesto namin ginawang parkingan ng mga motor. – …1829
Kayo? Sino gusto ninyong ihalal na mayor ng Maynila sa Mayo 9, 2022? Alex Lopez, Honey Lacuna, Amado Bagatsing, Elmer Jamias o Cristy Lim? Just text me at 09193297810