Advertisers

Advertisers

Ping: Uubusin ko ang magnanakaw!

0 283

Advertisers

ITO ang matigas na sinabi ni Presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson nang tanungin tungkol sa laganap na nakawan partikular sa gobyerno.

“Ang dami paring magnanakaw… sa kanto, sa negosyo, sa gobyerno. Sa 2022, kung magtutulung-tulong tayo, ang pagnanakaw tapos. Ang magnanakaw, ubos!,” sabi ni Lacson sa kanyang video message na viral ngayon sa social media at umani ng maraming komento, likes at shares.

Pero may ilang nagkomento na baka parang si Pangulong Rody Duterte lang itong si Lacson na hanggang sa-lita lang at wala sa gawa.



Maalala na noong election campaign 2016, ang matitinding ipinangako ni Duterte sa mamamayan kaya siya inihalal ay ang wakasan ang korapsyon sa gobierno at sugpuin ang iligal na droga sa bansa sa loob ng “3 to 6 months”.

Pero lahat ng promises na ito ni Duterte ay walang nangyari. Ni isang mandarambong sa gobyerno ay wala siyang nakasuhan at napakulong, sa halip ay kinakampihan niya pa ang mga inaakusahang kulimbat. Hindi rin nangyari ang pagsugpo sa illigal drugs, marami lang ang napatay na mga sipuning adik/tulak at mga kalaban sa politika na iniugnay sa kalakalan ng bawal na gamot. Samantalang ang mga nakilalang drug lords ay namamayagpag parin hanggang ngayong patapos na ang kanyang termino.

Kaya, siguro para makuha ni Ping ang simpatya ng taong bayan na nadala sa promises ni Duterte, ay gumawa siya ng kasunduan na pirmado niya sa mamamayan na kapag nanalo siya sa eleksyon ay ipakukulong niya ang mga magnanakaw lalo ang mga mandarambong sa gobyerno. Mismo!

Actually, talagang may guts itong si Ping. Naaalala ko noong PNP Chief siya ay talagang martial law sa PNP. Na-nahimik ang mga tulisang pulis. Pinakukulong niya kasi ang mga kotong at mga abusado. Natigil rin noon ang illegal gambling. Kaya sa loob ng ilang taon niyang pamumuno sa PNP ay nawala ang kotong sa kalye at ang illegal gambling tulad ng jueteng ay kungsaan-saan nagtatago sa pagbola ng numero.

Kaya naniniwala ako rito sa sinasabi ni Ping na kaya niyang walisin ang mga magnanakaw sa kalye, sa negosyo at sa gobyerno. Mismo!



***

Ang problema lang ni Lacson ay kung paano siya manalo laban sa frontrunners na sina Bongbong Marcos Jr. at Leni Robredo na 1-2 sa lahat ng klase ng surveys simula nang mag-file ng kanilang certificate of candidacy noong Oktubre.

Si Ping ay nasa hanay nina Manny Pacquiao at Isko Moreno na hindi nakakukuha ng double figures sa mga survey.

Pero, sabi nga, ang survey ay sa ilang tao lang na napagtatanungan. Mas marami ang hindi lumalahok sa survey. Ang mga sumasagot lang dito ay ang mga tambay na karamihan ay na-kikipaglokohan lang. Oo! Ang tunay na survey ay sa Mayo 9, araw ng eleksyon.

At dahil malayo pa ang araw ng halalan, marami pa ang maa-ring mangyari. Maaring kulelat ka ngayon at bukas ay biglang magnumero uno ka matapos makagawa ng bagay na tumimo sa puso’t isipan ng mamamayan.

Tandaan: Lahat ng nag-No. 1 sa mga survey sa mga nakaraang presidential elections ay talo pagdating ng halalan. Remember late Raul Roco, Joe De Vencia, late Fernando Poe Jr., Manny Villar at Jojo Binay? Sila ang mga maagang nanguna sa survey na talunan at the end.

Kaya tama itong tirada ni Lacson. Kinakapa ang panlasa ng mamamayan para maka-Bingo sa Mayo 9. Subaybayan!