Advertisers

Advertisers

NET25 Year End countdown, isang malaking tagumpay

0 415

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ISANG malaking matagumpay ang ginanap na year-end countdown ng NET25 sa Philippine Arena.

Bukod sa masayang  live performances, may mga bonggang papremyo rin sa pakontes nitong ‘Selfie with the Agila’ promo.



Maliban sa cash prizes, at stake rin ang brand new car, iphone 13 at Samsung s21 phone.

Ang mga nanalo sa ‘Selfie with the Agila’ promo ay iaanunsyo sa mga programang ‘kada umaga’ at ‘Ano Sa Palagay nyo (ASPN)’ nina Ali Sotto at Pat-P Daza.

Unang nag-perform on stage si Callalily frontman Kean Cipriano kasama ang kanyang banda, sinundan ito ng ‘Magandang Dilag’ hitmaker na si JM Bales, ang actor-singer na si Ruru Madrid, ang rapper na si Rapido, ang acoustic singer na si Princess Velasco at ang south border lead vocalist na si Jay Durias. Nagkaroon din sila ng duet ng ‘With a Smile’ ni Maureen Schrijvers. Nagpakitang gilas naman sa dance floor sa saliw ng mga sikat na tiktok dance craze sina Athena Madrid, Jon Lucas at Ms. Emma Tiglao.

Present din sa Philippine Arena ang cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epi Quizon, Vandolph Quizon, kasama si Jenny Quizon.

Ang naturang pagsalubong sa bagong taon ay pinangunahan ng ‘Kada Umaga’ morning show hosts na sina Pia Guanio-Mago, Emma Tiglao, Maureen Schrijvers, Tonipet Gaba at Wej Cudiamat kasama rin si Alex Calleja.



Tumagal ng mahigit trenta minutos ang fireworks display… Isa din sa highlight ng naturang pailaw ay ang lumilipad na ‘Agila’.

Isinara naman ng performances ng bandang Mayonnaise ang ginanap na masayang year-end countdown.