Advertisers

Advertisers

PNP Maritime intel officer patay sa atake sa puso sa Cavite

0 251

Advertisers

Naic, Cavite – Dead on arrival sa pagamutan ng First Filipino Saint Hospital ang isang miyembro ng PNP Maritime intelligence officer habang nagsasagawa ng surveilance sa baybaying dagat malapit sa Seaside Resort sa Barangay Bagong Kalsada nitong nakalipas na Linggo.

Kinilala ang biktima na si SSgt. Jesus Daban, 55 anyos, nakatalaga sa Cavite Maritime Police Station sa Brgy. Julugan, Tanza, Cavite.

Sa inisyal na report ng imbestigador na si Staff Sargeant Richard F. Atienza ng Naic Municipal Police Station, nakita ng isang bisita sa nasabing resort na bigla na lamang bumagsak sa lupa si Daban habang naglalakad. Agad nila itong dinala sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay. (Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">