Advertisers

Advertisers

Mayabang daw dati… Nadine ang laki ng pinagbago nang mahiwalay kay James

0 235

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAPAKATAPANG ni Nadine Lustre.

Biruin nyo namaybay siya sa gitna ng dagat sa kadiliman ng gabi makarating lang sa.Siargao para magbigay ng tulong sa mga pamilyang nasalanta ng Super Typhoon Odette.



Sa Instagram account ng isang netizen na may user ID @leagoeson pinost niya ang kuhang larawan ng aktres at nilagyan ng caption.

Aniya: “This girl travelled 6 hours on a little pump boat in the middle of the vast ocean in the middle of the night to get to Siargao. Proud and grateful for your help @nadine with heart emoji”

Marami ang humanga sa gestures na ginawa ng aktres.

Komento ng netizens, “Only the selfless one will do that. Salamat nadine!”

“To think na ang mga tinulungan pa niya e yung mga nagparami ng anak kahit Walang mga Maayos na tirahan at Walang mga Hanapbuhay at Walang Mga Displina!”



“Nakakainggit tlaga kapag marunong kang lumangoy. Kudos Nadine!”

“Kahit marunong lumangoy, nakakatakot pa din sa dagat ng gabi. Kaya ang tapang at sincere talaga si Nadine”

Makikita nga sa larawan na “ANDAMING MGA BATA!!!!!”

May nagsasabi namang, “Nagpapabango ng pangalan. Change image.”

Ang clingy lang di ba?

Ipinagtanggol naman ng isang netizen si Nadine.

“God bless you sa initial thought na yan instead of seeing the positive that she’s doing.”

“Nadine has always been unapologetic about how she is. Pretty sure she has better personality than you who has nothing else to do than lurk around here just to bash.”

Hinangaan naman siya ng marami dahil ang laki raw ng pinagbago.ng aktres.

“She has a good heart. Ibang iba si Nadine noon at ngayon. She was arrogant when she was with James…”

“I used to not like her but now I see her heart is in the right place. God bless your kind heart Nadine.”

Magmula raw nang makilala ni Nadine si Chriatophe Bariou malaki raw talaga ang ipinagbago ng aktres.

Naging low key profile na siya at nawala ang pasosyal-sosyal na lakaran nung sila pa ng ex boyfriend na si James Reid.

***

OGIE NAGPALIWANAG SA ISYU NG COCHINILLO NI MARVIN

FOLLOW-UP lang po sa nauna naming nasulat tungkol sa kontrobersiyal na cochinillo ni Marvin Agustin.

Mukhang si Ogie Diaz umano.ang nagbigay ng pahayag patungkol sa cochi ng aktor.

Sa ipinadala umanong mensahe ng batikang manunulat sa KAMI, ipinaliwanag ni Ogie ang naging karanasan niya nang matikman ang biglang sikat na ‘cochinillo’ ni Marvin.

Nag-post umano si Ogie na naghahanap siya ng masarap na cochinillo.

May nagkomento at nag-suggest naman daw sa kanya na subukan ang cochinillo ni Marvin.

Ani manager ng LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil): “Nagsimula lang sa post ko na looking ako for masarap na cochinillo. Tapos may nag-suggest na kay Marvin. Tapos nag-comment na kami ni Darryl Yap.”

“Naka-attend lang ako ng party ng isang friend na super disappointed sa cochinillo ni Marvin kasi ang mahal daw pero hindi nasarapan. Hype lang daw. When I tasted it myself true nga. Saka ‘yung special sauce mantika rin. So mantika na ‘yung pork, sa mantika mo pa rin isasawsaw. “Siguro hindi lang kasundo ng panlasa ko as compared sa iba na nasarapan naman,” paglilinaw ni Ogie.

Gayunpaman, hinangaan niya si Marvin na una nang naglabas ng kanyang statement patungkol sa mga nangyari.

May naririnig na nga rin daw siya na  maraming customers ang umano’y nadismaya sa produkto ng aktor.

Karamihan daw sa mga ito ay nagkansel ng orders.

“Nakakatuwa si Marvin dahil open siya sa criticisms. Kaya feeling ko ma-improve pa niya yan. Kaya pa niyang bumawi,” sey ng beteranang manunulat-talent manager-vlogger.

Sambit pa niya, “Sana lang ma-improve pa. Sayang ang sinimulan kung sa wala mapupunta lalo na at kilala sa pagkain si Marvin.

Actually humingi na rin ng sorry si Marvin sa kanyang mga customer.

“I am very sorry to each one of you,” mapagkumbabang sabi ng aktor.

***

Kaya nag-apply sa TV5

JULIUS UMASANG IPAPALIT KAY NOLI KAY KAREN BINIGAY

SI Julius Babao pala ang tinutukoy na Kapamilya Brodkaster na nagtangkang lumipat sa TV5.

Nag-apply umano ang mister ni Christine Bersola sa Kapatid Channel dangan nga lang at hindi sila nagkasundo sa talent fee.

Mataas umano.ang TF na hinihingi ni Julius kaya nagkatoon ng bargaining ang magkabilang kampo.

Pero, ayon sa update, plantasado na umano ang paglipat ni Babao sa TV5.

Nagkasundo na raw ang mahusay na brodkaster at ang TV5.

Anytime raw ay mapapanood na si Julius sa nasabing network kapalit sa naiwang pwesto ni Raffy Tulfo sa news program na Frontline Pilipinas.

Matatandaang naunang napabalitang ang papalit.kay Tulfo ay si Kabayan Noli.de.Castro.

Nag-file kasi ng candidacy sa pagka-senador ang dating news anchor ng TV Patrol.

Pero, agad sin siyang nag-back out nang diumano’y magkaroon ng problema sa financial support ng kanyang kandidatura.

Bumalik siya sa Teleradyo pagka-withdraw niya ng kandidatura pero hindi na siya nakabalik sa TV Patrol.

Sa pagkawala ni Noli sa TV Patrol, umasa raw si Babao noon kay Kabayan sa TV Patrol pero ibinigay nga ito kay Karen Davila.

Sa ngayon wala pang binibigay na detalye.si Julius kung.tuloy nga ang paglipat niya sa TV5.