Advertisers
Ipinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na ipagbabawal muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan ng Quaipo.
Sa ulat, nilagdaan ng alkalde ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta ng alak sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o nasasakop ng Kapistahan.
Magsisimula ang liquor ban sa Enero 8 ng alas-6:00 ng umaga hanggang Enero 10 ng alas-6:00 din ng umaga.
Apela ng alkalde sa publiko sa nasabing Kapistahan na wala munang inuman hangga’t maari at makiisa sa gobyerno upang sa gayun hindi na kumalat ang Covid-19 lalo na ngayong tumataas ang mga kaso dahil sa Omicron variant.
Nanawagan din ang alkalde sa mga deboto na maaring sa bahay na lamang magdasal at huwag nang magtungo pa sa Simbahan para na rin sa kanilang kapakanan at kalusugan.
Inaasan dadagsa ang mga deboto kaya naman nakikiusap ito na makiisa ang magtutungo sa Aimbahan dahil may mga itatalaga rin mga kapulisan sa paligid ng Quiapo upang magbantay at mapanatiling nasusunod ang health protocol .(Jocelyn Domenden)