Advertisers
LIMANG buwan nalang sa puwesto si Pangulong Rody Duterte… puros kalokohan parin ang namumutawi sa kanyang bibig.
Sa kanyang lingguhang recorded “Talk to the People”, inaatasan ni Pangulong Digong ang mga Punong Barangay na huwag palabasin ng kanilang tahanan ang mga hindi bakunado kontra Covid-19. At kapag nagpumilit lu-mabas, sila’y aarestuhin at ikulong sa presinto ng pulisya na mapanghi. Aray ko!
Actually alam ni Pangulong Digong na isang abogado na iligal, labag sa batas, ang kanyang kautusan. Unang una, wala pang batas para sa mandatory vaccination at hindi puedeng basta arestuhin ang isang tao na walang warrant at walang kaso o nagrereklamo.
Ang namutawi sa bibig na ito ni Pangulong Digong ay pambu-bully lamang na matagal na niyang ginagawa si-mula nang mahalal sa kapangyarihan.
Sino ba ang ayaw magpabakuna kontra Covid-19, lahat naman ay gusto magpaturok para hindi mabiktima ng virus. Pero may mga tao na kaya ayaw magpabakuna ay dahil may karamdaman, may nerbiyos, high blood, na kapag nagpaturok ay baka lalong mapadali ang kanilang buhay. Mismo!
Siguro ang dapat gawin sa mga ayaw magpabakuna dahil nga may iniindang karamdaman, higpitan nalang na magsuot sila ng facemask at umiwas sa umpukan ‘pag lu-mabas ng bahay at maghugas ng kamay pagpasok ng ta-hanan. Tama o mali?
At doon naman sa mga walang problema sa kanilang kalusugan na kaya ayaw magpabakuna ay dahil naniniwala sa fake news na sila’y magiging zombie ‘pag naturukan, magpabakuna na kayo para sa inyong proteksyon at nang makabiyahe kayo ng komportable at makakapasok sa mall o restoran na nagre-require ng vaccination card. Okey?
***
Matatapos nalang ang termino ni Pangulong Digong ay panay parin ang kanyang upak sa mga kalaban sa politika.
Sa kanyang ‘Talk to the People’, binanatan niya sina Senador Kiko Pangilinan at Senador Richard Gordon. Huwag daw iboto ang dalawang ito. Hehehe…
Pati ang pagboto ng mga tao ay gusto pang kontrolin ng luko-luko. Hindi nga niya makontrol ang kanyang mga anak sa mga kabulastugan. Animal!
Si Pangilinan ay kandidatong Bise Presidente (running mate ni Leni Robredo), makakalaban ng anak ni Digong na si Sara Duterte-Carpio (running mate ni Bongbong Marcos).
Si Gordon, reelectionist, ay siyang nag-iimbestiga sa Pharmally, ang kompanyang may kapital na higit P600K lamang at wala pang isang taon pero nakadale ng halos P10 billion deal sa gobyerno sa pamamagitan ng dating Presidential adviser na si Michael Yang.
Natuklasan ng Senado na overpriced ang mga facesmask at faceshield na binili ng gobyerno sa Pharmally. Hindi pa dumaan sa proseso ang bidding para sa pag-angkat. Puros kalokohan nga!
Ang labis na ipinagtataka ni Gordon ay kung bakit galit na galit si Pangulong Duterte sa kanyang pag-iimbestiga sa Pharmally e gusto lang naman ng Senador na mabigyan ng katuwiran ang taxpayers money na ginamit dito. Mismo!
Anyway, sa mga nalalabing araw na ito ni Pangulong Duterte, sa totoo lang ay nambubuwisit nalang siya. Aminin niya man o hindi, isa na siyang lameduck President. Kaya nga unti-unti na siyang iniiwanan ng kanyang mga tao. Pati anak niya, ‘di na siya sinusunod. Mismo!