Advertisers
INAPRUBAHAN ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang pagsuspinde sa tradisyon na traslacion at iba pang mga aktibidad sa pista ng Itim na Nazareno ngayong linggo.
Dahil dito, isasara ang simbahan ng Quiapo mula Enero 7 hanggang Enero 9, mismong araw ng kapistahan.
“It is expected that a huge number of devotees coming from all walks of life will be participating in the different festival activities,” saad sa pahayag ng NTF.
Gayunman, ang mga misa kaugnay ng pista ay idaraos online.
Ang pagkansela sa mga aktibidad ng kapistahan ay sanhi ng pagtaas uli ng mga kaso ng Covid-19.
Maglalagay ng mga checkpoint ang Manila Police District upang harangin ang mga deboto na magtatangka magtipon sa Quiapo Church.