Advertisers
PAMUMUNUAN ni veteran goal-keeper Inna Palacios at defender Hali Long ang Pilipinas sa AFC Women’s Asia Cup 2022, qualifying para sa FIFA Women’s World Cup.
Tinawag ni head coach Alen Stajcic ang pangkat ng 23 players, kabilang ang pitong bagito, para sa tournament na gaganapin sa India mula January 6 to February 6.
Si Palacios ang pinaka-veterano sa miyembro ng grupo, na mayroon 47 appearance para sa Pilipinas. Sumunod si Long na may 41, pangatlo si midfielder Sara Castaneda 40.
Sarina Bolden at Quinely Quezada, na pumalya sa Women’s Asian Cup qualifiers dahil sa kanilang club commitments sa Japan, ay babalik sa tribu. Tinawag rin sina midfield Tahnai Annis at forward Chandler McDaniel.
Si Annis ay umiskor ng 2 goals sa dalawang laban kontra Nepal at Hong Kong, Habang si McDaniels nagpasiklab sa parehong games at umiskor ng match-winner kontra Hong Kong sa 87 minutong aksyon.
Ang bagong miyembro ng squad ay kabilang sina Dominique Randle, Tara Sleton, Isabella Flanigan, Carleigh Frilles, Keanna Alamo, Katrina Quillou, and Kiara Fontanilla.
Ang team ay nag e-ensayo sa Irvine, California simula November 2021 upang paghandaan ang parating na tournament, may alok na five spots sa FIFA Women’s World Cup 2023.
Ang Pilipinas ay ka grupo ang tournaments favorites Australia at Southeast Asian rivals Thailand at Indonesia sa Group B.Ang top two teams sa bawat grupo at two best third- place teams ang maglalaban sa knockout stages.