Advertisers

Advertisers

Vax sites ininspeksyon ni Isko

0 388

Advertisers

Ininspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama ni Vice Mayor Honey Lacuna ang drive-thru vaccination sites sa Quirino Grandstand para sa preparasyon ng booster shot vaccination caravan sa January 13.

Ayon kay Domagoso, dahil sa kahilingan ng publiko, ang vaccination sites sa Luneta ay Hindi na lamang para sa first dose at second dose kundi gagamitin na rin ito bilang booster vaccination drive-thru site.

Sisimulan sa January 13 mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.



Maari namang pumila o magtungo sa booster vaccination site ang four wheels tulad ng dyip, taxi, pribado man o korporasyon.

Dagdag pa ng alkalde, Ito ay first come first served dahil 300 sasakyan lamang ang maaring i-accomodate sa isang araw dahil first time pa lamang aniya itong gagawin sa drive-thru.

“Ang gagawin natin dahil first time nating gagawin ang booster shots sa drive-thru ng four wheel, kakapain natin…after that we will come up with the better things but for the meantime ang available dito ay first come first serve na 300 vehicles,” pahayag pa ng alkalde.

Bibigyan naman ng numero ang mga sasakyan na pipila na sa apat na lane na bubuksan upang mabilis ang akunahan habang patuloy ang ginagawang drive-thru testing ng swab o RT-PCR.

Hinimok ni Domagoso ang mga pipilang sasakyan na maaring magsabay na kapamilya o katrabaho ng hanggang maximum na lima (5) indibidwal.



Kailangan lamang dalhin ang vaccination cards galing sa anumang syudado probinsya .

Tatanggapin din at kikilalanin ang mga vaccination cards na digital o physical cards para mabakunahan ng booster shots.

“Basta ang importante ma-booster muna ang tao para maiwasan ang kamatayan sa impeksyon ng COVID-19,” anang Aksyon Demokratiko Presidential aspirant.

Binigyan diin nito na ang pagbabakuna at booster lamang ang tanging paraan upang maproteksyunan ang sarili at pamilya laban sa nakamamatay na sakit.(Jocelyn Domenden)