Advertisers
Ni BETH GELENA
ESPEKULASYON ng netizens, tumitindi umano ang iringan ng pamilya ni Senate President at aspiring Vice President na si Senator Tito Sotto kay Megastar Sharon Cuneta.
Nag-post kamakailan si Sharon ng throwback photo ng kanyang Mommy Elaine at ng tyahing si Helen Gamboa sa kanyang socmed.
Sina Elaine at Helen ay magkapatid at mister naman ng huli si Tito Sen.
Sinulatan ito ng caption ng Megastar.
“My Mama Helen and my Mommy. My two Mamas.”
Tinag ni Shawie ang mag-asawa at mga pinsan na anak nina Helen at Tito Sen — @purpleluxe @dior.sno @pinaypole @giansotto @joywsotto @helenstito
Pinuna ng mga netizens na wala man lang daw nagreak isa man sa kanyang tinag.
Sabi tuloy ng mga Marites dedma lang daw ang Sotto clan.
Sabi tuloy ng mga Mosang at Marites, may sama raw ba ng loob ang pamilya ng aspiring vice.president kina Sharon dahil tatakbo ring bise presidente ang asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan?
Komento nga ng ilang netizens sa nasabing post:
”Senti ang ating mega ngayon…nakakamiss ilang araw sya hindi nagparamdam.”
“Before when Sharon tag Ciara and the rest on her post they will give comments right away. Praying for all of them. Family is forever.”
“When this election is over po, i wish to see you on Ms. pinaypole’s YT channel with Ms. Helen.”
Matatandaan na maganda ang samahan ng pamilya Sotto at ng Megastar.
Masyadong malapit ang singer-aktres mula’t sapul kina Helen.
Pero dahil sa pulitika mukhang magkakalayo na ang kanilang landas.
***
MAY panibagong couple na naman ang umano’y hiwalay na, ang actor na si Carlo Aquino at ang live-in partner na si Trina Candaza kung saan may isa silang anak na babae.
Siya ngayon ang pinagpipyestahan ang mga Marites at Mosang.
May nagtanong sa actor, “Carlooo bakit naka-unfollow ka na kay @trinacandaza?”
“Baka break na,” sabi naman ng isa.
Sinundan pa ng “they moved out na din. Living in a condo na” with sad face emoji.
“Di na kayo in goods terms ni Trina? Napansin ko kasi di ka na naka-tag sa mga stories niya. Pati sa latest ‘fam’ pic nio.”
Ang mga tanong na ito ay ang mga pumasok sa Instagram account ni Jose Liwanag, ang real name ni Carlo.
May nagtanggol sa actor.
“They’re still together and they follow each other’s IG.”
“Baka naman nag-away lang kayo naman”
“Piyesta na naman ang mga Marites.”
May nagsabi namang, “Naka follow pa, kache check ko lang”
“Naka follow na ulit. Kalma lang kayo.”
“Kaloka parang kelan lang. Haay. Another baby na naman ang di buo ang family..”
“Pagcheck ko sa IGs nila, nka follow at unfollow naman na. Hmmmm….”
“May bagong movie? yikes for the show lahat gagawin mapansin lang?Kailan lang sweet sweetan sa photo!”
“Simpleng tampuhan and now ok na ulit sila”
“Nagpapapansin lang yan mag jowa na yan.”
“Parang now lang sila nag follow ulit sa isat isa. Kakacheck ko lang kaninang umaga magka unfollow pa sila. Parang naka block before kase yung mga naka tag na pictures before hindi na naka tag. Baka gumagawa lang ng ingay since may movie si carlo with julia”
“Nagpapaingay. Tapos na kasi yung clamor about pusit game.”
“Baka tampuhan lang, or nag follow uli because they have sponsored deals as a family.”
“Gumagawa lng ng ingay kayo naman syempre for the sake of carlo and julia movie.”
Naku… ano ba talaga ang totoo Carlo?
Follow or unfollow?