Advertisers

Advertisers

Inutil ang Pamunuan ng Carranglan

0 186

Advertisers

Fighting corruption is not just good governance. It’s self-defense. It’s patriotism. — United States president Joseph Robinette Biden

KAILANGAN ng pagbabago sa Carranglan at kailangan dito ng bagong bayani.

Kitang-kita kasi ang mga katibayan sa pagiging inutil ng pamunuan ng bayan ng Carranglan sa Nueva Ecija sa lalong pagpapahirap sa buhay ng mamamayan ng nanbanggit na munisipalidad.



Sa nakalipas na mga taon ay halos walang pag-asensong nagamdaman ang mga Novocijano rito at libu-libo ang walang trabaho o hanapbuhay habang ang mga opisyal dito ay nagpapasasa sa kaban ng bayan.

Ang totoo, nais ko sanang magretiro sa Carranglan dahil nakabili ng kapirason lupain ang aking anak at kanyang asawa na katabi lang ng maliit na ilog at maaaring gawin maliit na farm para ditto mag-alaga ng ilang piraso ng baboy at manok para sa malinggit na negosyo.

Pero sang-ayon din ako sa nais ng aking manugang na maglagay din sa kanilang property ng isang target range na maaaring punatahan ng mga mamasyal na kasamahan ko sa trabaho at mga kaibigan ding pulis at militar para mag-target shooting o dili kaya’y maglaro ng paintball o airsoft.

Kanya lang, paano naman kaya ako makakapagretiro dito kung ang munisipalidad ay para bang pinababayaan ng mga opisyal dito na ang tanging ginagawa ay gahasain ang yaman nito dahil sa kawalan ng ambisyong pag-asensuhin ang kanilang lugar at mga kababayan.

Tulad na nga ng problema rito na ang karamihan ng mga residente ay walang hanapbuhay at maging ang mga pangunahing pangangailangan ng taongbayan ay lubhang kulang, haya ng ospital para sa mga nagkakasakit na taga-Carranglan.



Pero ang sabi ay mayroon naman daw ospital na pagdadalhan ng mga may karamdaman, dangan nga lang ay 12 kilometro ang layo mula sa kabayanan kaya kung nasa kabilang dulo ka ng munisipalidad ay tiyak na naghihingalo ka na o baka namatay pa bago makarating sa nasabing ospital.

Minsang nakapunta na ako dito noong nangampanya kami para sa aking kaibigan at gayun din para sa noo’y alkalde ng Davao City na si DIGONG at tumatakbo sa pagkapangulo noong 2016. Napadalaw ang punong ehekutibo dahil dadalo ito sa isang aktibidad ng mga mason at natiyempo namang dinalaw ko rin ang isa kong kaibigang Carranglaeño.

Nang mapasyal ako rito, sadyang para bang nasa isang lugar ako sa Arizona, USA noong kapanahunan ng katatapos pa lang ng American Civil War kaya halos lahat ng mga bayan-bayan sa Estados Unidos noo’y halos walang laman kundi isang saloon, isang bangko, isang tindahan at isa ring opisina ng marshal o sheriff na kung saan naroroon na rin ang malinggit na piitan para sa mga kriminal.

Katuald-na-katulad ang Carranglan ng Tombstone, na kung saan namayani si Wyatt Earp para lipulin ang mga masasamang tao. At sino ang dapat sisihin kung bakit walang pag-asenso ang munsipalidad?

Ang sabi ay dahil ang isang mataas na opisyal dito ay abala sa isinusumbong na negosyo niya na may kinalaman sa human trafficking.

Iyan ang tsismis, tama po ba Mayor MARY ABAD?

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!