Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PAREHONG loveless ngayon sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. In perness, marami ang nagsasabing bagay silang dalawa at makikita naman ang sweetness and care sa kanila sa tuwing magkasama kaya hindi na nga maalis na kapwa matukso ng kanilang mga kasamahan sa industriya.
Nagsimulang ma-link ang dalawa noong si Rayver ang naging special guest ni Julie Anne sa kanyang trilogy concert, sa “Limitless 2: Heal” na nataon naman sa biglang pagputok ng balitang hiwalay na nga sina Rayver at Janine Gutierrez. Wala rin naman tuwirang pag-amin kay Rayver kung pinopormahan niya ngayon si Julie Anne pero sabi nga ng dalawa ‘what you see is what you get’.
Sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang samahan ay natanong si Julie Anne kung sakaling may chance ba naman na maging mag-on sila ni Rayver?
“We’ll see. Malay natin na there’s something more special than friendship,” maikling say ni Julie Anne.
***
NGAYONG tapos na ang lock-in taping ng bago niyang project para sa GMA-7, ang “False Positive,” isang miniserye kasama ang baguhang Kapuso actor na si Xian.
May tema na ng kanyang kasalan na sinang-ayunan naman ng mister to be ni Glaiza, wedding na malapit sa beach.
“Since mahilig nga kami pareho sa beach, mahilig kami sa dagat, at mahilig kami sa outdoor. Meron akong mga naiisip na idea pero gusto ko na malapit sa beach. Gusto kong sabihin pero baka mamaya kopyahin. Charot! Hahaha! Ipa-copyright ko muna,” natatawang sinabi ni Glaiza.
Inamin din ni Glaiza, isa sa nagpabago ng kanyang pananaw pagdating sa dagat ay ang pandemya.
“Mas na-appreciate ko ngayon na nasa outdoors ako kasi dati, sinasabi ko nga kay David na I’m used to staying at home before pandemic kasi para sa akin opportunity ’yon para makapagsulat ako ng kanta, makapag-compose ako, makapag-gitara ako, basta magre-research ako in terms of ’yong mga ano lang, manood ako ng mga pelikula. Pero ngayon mas talagang hinahanap ko na ’yong, gusto ko na ng dagat,” say pa rin ni Glaiza.
At dahilan sa isang foreigner ang kanyang magiging hubby ay malaki ang chances na dalhin siya nito sa bansang sinilangan at iwan ni Glaiza ang kanyang karir.
“Parang pagdating ko doon sa bayan ni David, magsa-start ako ulit and I don’t think na may enough time ako. Kasi parang, ewan. Sa ngayon ito lang ang mindset ko. Baka magbago pa pag dumating talaga ’yong opportunity. Pero para sa akin kung may paraan, kung may possibility na makabalik pa rin ako dito, why not?”, sabi pa rin ni Glaiza.