Advertisers

Advertisers

Rabiya ayaw tantanan ng bashers, nilait na ambisyosa at talunan

0 206

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SIMULA palang sa kanyang Miss Universe Philippines stunt ay hindi na tinantanan si Rabiya Mateo ng mga basher lalo nang magbigay siya ng isang political opinion na against sa views ng nakararami.

Nang pasukin naman ni Rabiya ang showbiz world ay sinundan pa rin siya ng bashers at sinabihan na hindi marunong umarte. Sa paglipas ng mga araw ay tila mas lumala pa ang mga negatibong komento kay Rabiya.



Kahit pa dedma ang kanyang byuti, kailan kaya tatantanan si Rabiya ng bashers? Lately ay nilait na naman si Rabiya na isang ambisyosa at talunan.

Sa isang photo na pinost ni Rabiya sa kanyang socmed ay naglagay siya ng caption na nagsasaad ng ganito.

“Minsan action star, minsan panadero. Was privileged enough to see how to make the ever famous Raisin Bread ng Baguio Country Club. Even made a joke kay chef na patayo ako ng sarili kong bakeshop, kunin ko siya.”

Asar talo namang kinomentuhan ng isang basher ang naturang post ni Rabiya.

“Minsan beauty queen, minsan drama queen, pero kadalasan ambisyosa, talunan pa sa Miss U.”



Hindi na ito pinalagpas ni Rabiya at sinagot niya ang naturang komento.

“Di naman siguro masama mangarap, yung masama mangbaba ng kapwa. Medical professional ka diba? Sana maging doktor ka gaya ng pangarap mo. Keep winning in life!”

***

MEDYO naungusan ngayong pasimula ng taong 2022 ni hunk actor Paolo Gumabao ang kapatid na si Marco Gumabao pagdating sa movie. Simula palang ng buwan ngayong taon ay 2 movies na agad ang pinalabas na nasa lead role si Paolo, ang “Sisid” at “Silip Sa Apoy.” Samantalang si Marco ay wala pa. Pareho ng genre ang magkapatid, sexy image at parehong under ng Viva Entertainment. Hindi tuloy maiwasan na maikumpara ang dalawa pero may nag-suggest pang bakit hindi magsama ang Gumabao brothers sa isang sexy drama movie? Game naman kaya si Paolo na makasama ang kapatid sa isang movie? Maganda ang samahan nilang magkapatid, walang inggitan sa isa’t isa pagdating sa kanya-kanyang karir.

“Yes, I really want to work with him, so I was delighted when the offer from Viva came. I even visited him and I told him na, sana, magkaroon kami ng film together.

“Sabi niya, sana nga. We really both welcome the experience of working with each other.  At sana, maganda yung material,”  say ni Paolo.