Advertisers

Advertisers

Malakanyang umalma sa nagpapakalat ng lumang ‘video clip’ ni Pangulong Duterte

0 290

Advertisers

LUMA na ang voice clip ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinakakalat ngayon ng kanyang mga kritiko kung saan sinasabi nitong tama na ang 2 doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, Sept. 30, 2021 pa ang naturang voice clip na nuong mga panahon na iyon ay nasa 21M pa lamang ng mga eligible population ang nababakunahan at hindi pa pinapayagan ng mga eksperto ang pagtuturok ng booster shot.

Paliwanag ni Nograles, ibang iba na ang sitwasyon ngayon sapagkat nitong Nobyembre ay inaprubahan na ng mga eksperto ang pagtuturok ng booster shot sa mga taong fully vaccinated.



Matatandaang Dec. 21, 2021 sa kanyang Talk to The People hinikayat pa nga ng pangulo ang publiko na magpa-booster shot na kasunod nang banta ng Omicron variant at dahil sapat naman ang supply ng bakuna sa bansa.

Kasunod nito, patuloy ang panghihikayat ngayon ng pamahalaan na magpabakuna at magpa-booster shot na nang sa ganon ay magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.

Base kasi sa mga pag-aaral, maaaring makaranas ng severe hanggang critical cases ang mga unvaccinated individuals kapag tinaman ng COVID-19 at posible rin nila itong ikamatay.

***

Samantala posibleng maibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila pagsapit ng Pebrero.



Ito ay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba na naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Sabi ni National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa, mataas pa ang naitatalang bagong kaso sa buong bansa pero nakita niya ang mabilis na pagbagsak ng numero sa kalakhang Maynila.

Pero isa rin aniya sa magiging basehan kung ibababa na ang Alert Level o hindi ay ang sitwasyon sa mga ospital

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.