Advertisers
BAGO magsimula ang kampanya sa nasyunal sa Pebrero 9, ilalabas ng Commission on Election (ComElec) ang desisyon sa tatlong natitirang petitions laban sa kandidatura ni presidential aspirant Bong Bong Marcos, Jr (BBM).
Ang naturang desisyon ay dapat inilabas noong Enero 17 pero nahawaan daw ng Covid-19 ang maraming staff ng ComElec.
Pero ang 2nd Division ng pool body ay naglabas ng kanilang desisyon sa iba pang petitions laban kay BBM noong Enero 17, kungsaan binasura ang pang-huli sa tatlong petitions na nakasalang sa naturang division.
Ang natitirang petitions sa 1st Division na pinag-isa nalang ay ang mga petition ng Martial Law survivors, party-list group ma Akbayan, at ng mga dating opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas.
Say ng ComElec Sr. Commissioner na si Rowena Guanzon, kung na-delay man ang paglabas sa desisyon sa naturang petitions ay hindi na niya kasalanan dahil hindi siya ang ponente o magsusulat ng desisyon kundi alin kina Commissioners Marlon Casquejo at Aimee Ferolino na kapwa career officials na rose from the ranks at apppintees ni Pangulong Rody Duterte. Si Guanzon ay appointee ni late ex-President Noynoy Aquino.
Kaabang-abang ang desisyong ito: Tuloy ba ang kandidatura ni BBM o disqualified siya?
Ang petition laban sa kandidatura ni BBM ay conviction niya Quezon City Regional Trial Coourt sa hindi pagbabayad ng tax (buwis) noong Vice Governor siya ng Ilocos Norte (1982 -’84, at 1985).
Inapela niya ang kaso sa Court of Appeals (CA) pero hindi inalis ang kanyang conviction, ibinaba lang ang kaso sa non filing ng ITR at pinagmumulta siya.
Iniakyat ni BBM ang kaso sa Korte Suprema pero binawi rin niya sa hindi malamang dahilan.
Sa rekord ng Quezon City RTC Branch 105, hanggang ngayon si BBM ay hindi parin ng nagbayad ng multa na iniutos ng Court of Appeals.
Pero sabi ng kampo ni BBM, nagbayad na sila sa Land Bank.
Sagot naman ni 1Sambayan founder retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, ang binayaran ni BBM sa Land Bank ay ang kanyang pagkakautang sa BIR, hindi ang multa sa kanyang kaso.
Ang multa, sabi ni Carpio, ay sa korte ibinabayad hindi sa BIR.
Well, abangan natin kung ano ang desisyon rito ng ComElec 1st Division. Posible next week na yan. Subaybayan!
***
Mga sagot ni VP Leni sa malulupet
na tanong ni Boy Abunda
Sa kanyang TV program na ‘Political Fast Talk’, tinanong ni Boy Abunda si Vice President Leni Robredo ng:
Bakit hindi dapat iboto si Bongbong Marcos?
VP Leni: Number 1, sinungaling. Pangalawa, in the difficult moments hindi siya nagpapakita.
Bakit hindi dapat iboto si Isko Moreno?
VP Leni: Hindi klaro yung paninindigan sa maraming bagay.
Bakit hindi dapat iboto si Ping Lacson?
VP Leni: Maraming salita pero kulang sa on the ground na gawa
Bakit hindi dapat iboto si Manny Pacquiao?
VP Leni: Ito malungkot ito, pero ‘yung kabutihan ng loob kasi sa ‘tin, hindi sapat.
Bakit ikaw ang dapat naming iboto?
VP Leni: Pinakita nitong krisis na ‘to and many other crisis in the past na ang mga babaeng lider, nagsha-shine during crisis. Ako, pinakita ko yan sa maraming trabaho namin dito sa OVP. Marami kaming mga krisis na nalagpasan with flying colors.
Say nyo, mga pare’t mare?