Advertisers

Advertisers

Kailangan n’yo ba ng ambulansya, gamot sa COVID, home vaccination? Tawag na sa MHD

0 183

Advertisers

KAILANGAN n’yo ba ng ambulance, anti-COVID medicines o home service vaccination? Tawag na sa Manila Health Department (MHD).

Sinabi ni Manila Mayor and Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno na ang tanging kailangang gawin lamang ng mga Manileño ay tumawag sa mga numerong karaniwang ipino-post sa Facebook at ihanda ang mga kailangang dokumento.

Sinabi pa ni Moreno na ginawa ng simple ang mga requirements para huwag nang pahirapan pa ang mga pasyente, lalo na sa pagkuha ng mga expensive, hard-to-access life-saving medicines na binili nila ni Vice Mayor Honey Lacuna upang ipamigay ng libre sa sinuman na nangangailangan kahit pa hindi mga taga-Maynila.



“Hindi po kami namimili ng tutulungan. Let us all set aside our political differences for the common tao. You’ll never know kung sino mangangailangan,” sabi ni Moreno.

“Anyone can avail of these medicines. Ang tangi naming hinihingi ni Vice Mayor Honey ay kusang disiplina, pagsunod sa minimum health protocols,” dagdag ni Moreno na nagsabi rin na ang katatapos na surge ay nagdala ng matinding takot sa lahat.

Sinabi ni Moreno na para makakuha ng libreng gamot, kailangang mag-submit sa MHD sa ilalim ni Dr. Poks Pangan ng mga sumusunod : name, address at contact number; kopya ng doctor’s prescription o ‘reseta’; a waiver na may pirma ng doktor at ng pasyenteng concerned at RT-PCR result na nagpapakita na ang pasyente ay positive sa COVID-19.

Samantala, tiniyak ng alkalde sa mga hindi makakapunta sa mga vaccination sites tulad ng mga bedridden, wheelchair-bound o physically-challenged, na si Lacuna ay patuloy na nagsasagawa ng ‘home service’ vaccination kasama si Congressman Yul Servo na siya tumutulong sa bise alkalde.

Muli ay ipinaalala ni Moreno ang kanyang panawagan sa lahat na magpabakuna para sa kanilang proteksyon at para sa kanilang mahal sa buhay.



Sa kabila na umabot na ang lungsod ng Maynila sa mahigit 140 percent pagdating sa required percentage ng population na eligible para sa vaccination, sinabi ni Moreno na ang city’s vaccinating teams, sa pangunguna ni Lacuna, Pangan at ang kanyang deputy na si Dr. Ed Santos, at pinuno din ng Manila Emergency Operations Center, ay patuloy pa ring naghahanap ng mga unvaccinated upang kumbinsihin ang mga ito na magpabakuna.

Ang mga numbers na maaring tawagan para sa ambulance, medicines at home vaccination ay ang mga sumusunod: 09150656335; 09954966176; 09610627013; 09616281414; 09608229384; 09777297572 at landlines 89262385; 89262380 at 89262383. (ANDI GARCIA)