Advertisers

Advertisers

Sana nga, ‘President Isko’ na sa Mayo 2022

0 781

Advertisers

MARAMI ang humanga sa matapat, prangkang sagot ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa interview sa kanya ni Tito Boy Abunda sa Presidential Interviews nitong Huwebes.

Prangka, direkta, walang ligoy-ligoy si Yorme Isko sa mga sagot niya – tulad sa naunang interbyu sa kanya ni GMA 7 TV host Jessica Soho.

May plano siya, kongkretong aksiyon at solusyon sa mga problema natin: gamot, ospital, bakuna, mabilis na serbisyo laban sa pandemya.



Maraming infra projects – tulay, kalsada, airport, pier, subway, schools and hospitals, foreign direct investments na magtatayo ng maraming negosyo, industriya na magbibigay ng trabaho, hanapbuhay at iba pang pagkakakitaan.

Kung moderno ang infra projects, bibilis ang komunikasyon at transportasyon at palitan ng produkto, serbisyo sa maraming probinsiya ng bansa, at ano ang resulta: murang bilihin, matatag na ekonomya, mabilis na progreso ng pamilyang Pilipino.

Sana, si Yorme Isko na ang ating maging pangulo sa Mayo.

***

Matapat ang sagot niya sa tanong tungkol sa katunggali sa eleksiyon.



Kay Sen. Ping Lacson, “Pwede naman iboto ah.”

“Mabait naman siya. Okay naman.” sabi ni Isko kay Sen. Manny Pacquiao.

Kina dating Sen. Bongbong Marcos at VP Leni Robredo, kapwa raw maghihigantihan ang dalawa.

Si VP, “Maghihiganti sa mga Marcos at Duterte.”

Si Marcos,”Maghihiganti sa mga dilawan at pingklawan.”

E si Aksiyon Demokratiko president Isko, aniya,”Tama at totoong aksiyon sa problema ng Pilipino ang uunahin ko.”

Magiging “Healing President” siya, kahit di kapartido, basta matino at maasahan, kukunin sa kanyang gobyerno.

Uusigin niya ang may kasalanan, hindi dahil galit siya o kalaban sa mata ng batas na parehas ang pananagutan, madalas na sinasabi ni Isko.

Kung siya ang pangulo, hindi siya maghihiganti kanino man, sabi niya kay Abunda, kasi, “wala akong paghihigantihan.”

Bakit siya ang dapat iboto, kasi, uunahin niya masolusyonan sa mabilis na kilos ang perwisyong dala ng pandemyang COVID-19 tulad ng ginagawa niya sa Maynila.

Sa dami at bilis ng problema ng bansa, “tunay na solusyon at mabilis na aksyon” ang gagawin niya, kung siya si President Isko Moreno.

Buhay at kabuhayan ang uunahin niya, kapakanan ng tao ang mas mahalaga sa kanya ; ang magbigay ng matinong gobyerno sa tao, ang mapaunlad ang Pilipinas, ito ang mas tamang aksyon at solusyon.

***

Grabe si Madam Lugs sa pagmamapuri sa sarili, aba, nakakasindak kungdi man, bigla kang lalagnatin sa taas ng ere.

Noong giyera sa Marawi City, aba, siya raw ang nauna roon na tumulong, ganu’n at naunahan pa ni VP Lugs ang mga sundalo at taong gobyerno laban sa terroristang Maute?

Nakakahiya naman sa mga namatay na sundalo natin, kasi si Madam Lugs pala ang “nakipaggyera” sa mga terrorista.

Basta raw may bagyo, lindol, sunog, at anomang kalamidad, siya raw ang unang “on the ground” at hindi ang mga kalaban niya na puro lang daw salita at walang gawa.

Sa pagyayabang, hehehe, Top Choice si Madumb!

***

Navy Flag Officer ang kukunin niyang Defense Secretary, sabi ni Yorme Isko kung siya ang presidente.

Archipelagic ang Pilipinas – na nalilibot at naiikutan ng dagat at malawak na teritoryo ng tubig sa mahigit na 7 libong isla.

May sapat na kakayahan at karanasan, isang expertise ang isang DND secretary na mula sa Navy na alam ang gagawin para mapigilan ang pagpasok at paglabas ng droga, kontrabandong armas sa malawak na border ng bansa sa ating territorial waters.

Kahit daw ginawa ni Presidente Rodrigo Duterte ang lahat ng makakaya, hindi pa rin nasugpo ang illegal drug trade – na ipinapasok sa ating border.

“… I have to give credit to President Duterte, nawala ang manufacturing … dati meron nahuhuli sa posh subdivision … the thing I found out, bulk ang dumarating dito,” sabi ni Yorme kay Abunda.

Kung nawala na ang manufacturing, bakit may nahuhuli pang kilo-kilong shabu, bakit may droga pa sa kalye?

May nakapagpapasok, may nakapagpapalusot na idinadaan sa border, kaya na-realized ni Yorme Isko, mag-appoint ng isang Navy officer sa DND.

Itutuloy niya ang drug on war ni Duterte, pero hindi sa paraang madugo.

Mananagot ang sinomang lalabag sa mata ng batas.

Walang extra judicial killings (EJKs) sa version niya ng giyera laban sa ilegal na droga.

Magiging madugo lamang kung may banta sa buhay ng law enforcers pero sa engkuwentro, may susunding regulasyon.

Namatayan na ng pulis-Maynila sa engkuwentro, pero sabi niya kay Abunda, “97% nahuli namin buhay.”

Dahil lumaki siya sa kalye, lumaki siya sa lugar na maraming kriminal, alam niya kung paano mahusay na madarakip ang mga kriminal, sabi ni Yorme Isko.

“I grew up with that kind of environmenT, ako pa mismo ang nagtuturo sa lespu minsan kung paano sasakotihin,” sabi ni Isko.

Basta siya, zero tolerance, non-negotiable ang isyu ng droga.

Basta, drug dealer, kinakalawit (inaaresto) sa Maynila.

“Kaya hirap na hirap silang mag-deal (ng droga),” sabi ni Yorme Isko.

Mabilis na aksyon at di-madugong solusyon sa droga at dadaan sa mata ng batas ang mga lalabag sa batas: ‘yan ang mangyayari sa Pilipinas kung si Yorme ang pangulo.

Na sana, President Isko Moreno na nga sa Mayo 2022 nang sumaya, gumaan, guminhawa na tayo.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.