Advertisers
Nakakabahala ang intel reports na nasasagap ng ating gobyerno patungkol sa direktang pakikialam ng bansang America para maimpluwensiyahan sa pamamagitan ng kinakatakutang puwersa ng Central Inteliigence Agency (CIA) ang nalalapit na halalan sa Mayo ng taong ito.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng iba’t ibang pagkilos ang CIA infiltrating agents na may ilang panahon na ring andito sa Pilipinas upang gawan ng paraang manalo sa ano mang kaparaanan ang mga kandidato ng oposisyon na hayagan namang mina-manok at tinutulungan ng bansang America.
Ayon pa sa classified reports, ilang higanteng negosyante at mayayamang angkan sa bansa ang sinasabing “direct link” ng CIA o nagsisibing agents nito.
May ilang pagkakataon na ring nakipagkita ang mga ito sa mga banyagang iniulat na mga ahente ng CIA sa mga 5-star hotels dito sa Metro Manila.
Bukod sa logistic support, nangangalap din ng intelligence info ang CIA laban sa mga pro administration candidates na nangunguna sa sa iba’t ibang surveys.
Partikular na tinatrabaho ng CIA ay ang labanan sa pagka-Pangulo,Pangalawang Pangulo, Senador, Congressmen at partylist groups.
Bukod sa logistics na iligal na naipapasok sa bansa para sa opisisyon ay may mga legit CIA agents na rin umano ang nasa bansa bilang mga ITs para gamitin sa kanilang “internet blue communications and hacking activities”.
Destabilisasyon umano ang isinasagawang ito ng CIA sa Duterte administrasyon upang lituhin at mawala sa “focus” ang gobyerno sa isasagawang halalan.
Ayon naman sa ilan nating mga sources, nakatanim na sa malalaking negosyo sa bansa at sa ilang sangay ng pamahalaan ang mga tauhan ng CIA at mga kasapakat nitong Pinoy upang magsagawa ng mga “demolition jobs, fake economic issues at iba pang pag-atake laban sa Duterte administration at sa mga kaalyado nito at opisyales.
Isa umano sa malinaw na plot ng CIA ay ang paglalagay sa Federal Bureau of Investigation (FBI) wanted list sa kinikilalang spiritual leader at close ally ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ.
Posible umanong sa mga susunod na araw o ilang linggo bago ang naka-schedule na halalan sa Mayo ay hilingin ng Estados Unidos ang extradition ni Quiboloy mulasa Duterte administration to put more pressure sa Presidente.
Layon umano ng galawang ito na ma-distract at magulo ang papatapos na termino ng nakaupong Pangulo.
Ang kaguluhang nilikha ni retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon kamakailan upang puwersahin at impluwensiyahang idiskuwalipika si leading presidential candidate, former Senator Bongbong Marcos ay bahagi ng grand conspiracy plan ng CIA at ng bansa America para maiupo sa poder ang kanilang mga kinikilingang kandidadto.
Hindi po biro ang balitang ito na hindi lamang naglalagay sa panganib sa ating demokrasya at pagiging malayang Pilipino, kundi bagkus yumuyurak sa ating kasarinlan at kalayaang magdesisyon kung ano ang nararapat sa ating bansa.
Ang banta sa buhay nina Bongbong Marcos,at maging sa buhay ni Pangulong Duterte at sa anak nitong si Sara Duterte na ka-tandem ni Marcos sa Team Unity ay hindi puwedeng ipagkibit-balikat lamang.
Nararapat lamang na umaksyon ang pamahalaan at ang military patungkol sa insyung ito na lubhang nakakabahala.
Kailangang matanggalan ng maska ang mga kapwa kababayan nating nakikipagsabwatan sa CIA at arestuhin ang mga ito kapagdaka.
Kilala ang bansang America sa mga ganitong galawan at pambu-bully sa maliliit na bansa.
Nakatatak na sa kasaysayan kung ilang maliliit ng bansa ang ginulo at sinira ng America sa pamamagitan ng infiltration ng grupong CIA.
Merciless po ang CIA na may istorya ng maramihang pagpatay sa mga ordinaryong sibilyan at mga lider ng iba’t ibang bansa.
Alam natin na hindi papayag ang Pangulong Duterte na magtagumpay ang planong ito ng mga demonyo kung kaya’t nananalig po tayong makakaya niyang supilin ang conspiracy na ito sa tulong na rin ng mga kaalyado nating bansa gaya ng China at Russia.
As of this wring, may ulat po na nasusunog ang embahada sa ng Russia dyan po sa siyudad ng Makati.
Kung ito man ay bahagi ng tinaguriang OPLAN Five-2022 ay di natin mawari.
Let’s be vigilant and ready!
Hindi po maganda ang sitwasyon at seguridad ng bansa.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com