Advertisers

Advertisers

Kahit ano pang pagbabawal

0 463

Advertisers

NAGBABALA na ang Commission on Elections (Comelec) na ang pagbibigay ng perang ayuda o pagpapa-raffle ng mga kandidato sa pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa halalan ay mahigpit na ipinagbabawal.

Maituturing na raw itong “vote buying”, kahit pa sabihin ng mga kandidato na para sa ibang dahilan ang kanilang pagbibigay ng ayuda.

Kaya naman maging mga mismong botante o hindi, at kahit na sinong indibidwal na makakasaksi ng naturang iligal na gawain ay hinihikayat ng Comelec na agad na maghain ng reklamo at ituloy ito upang mabigyan ng kaukulang aksiyon.



Magsisimula ang 90-day campaign period para sa mga tatakbo sa national elections ngayong February 8, habang ang 45-day campaign period naman para sa local aspirants ay magsisimula sa March 25.

Ngunit ngayon pa lamang ay kapansin-pansin na ang iba’t ibang paraan ng mga kandidato lalo na dito sa Metro Manila para lamang makasungkit ng boto sa darating na halalan sa Mayo.

Kahit bawal pa, ang mga tarpaulin ay nagkalat na. Wala nga namang nakalagay na “iboto”, ngunit kung susuriin ay parang ganun na din. Bumabati sa mga okasyon ng kapistahan ng lugar, Araw ng mga Puso at kung anu-ano pang selebrasyon.

Paraffle? Yun iba nga ay ‘on-line’ pa via social media. Ang iba naman ay dinadaan sa nauso noong “pantry”, kanya-kanyang kiosk o tent ang mga kasapi sa team o grupo ng kandidato, namimigay ng gulay, itlog atbp., mapansin at maalala lamang ng mga botante nila.

Ang ibang kandidato ay may payroll na nga, mula sa kupitan ‘este kapitan pala ng Barangay, kagawad, lupon at kahit tanod hanggang sa pook lider.



Ang presyo – sampung libo pababa kada buwan. Ang pook lider, nasa dalawang libo kada buwan ang natatanggap, at ang kanyang marerecruit ay limang daang piso o isang libo kada buwan, masiguro lamang na iboboto ang kandidato. Noong November pa kaya ito nakakasa.

Malaking halaga ng pera ang pinaguusapan natin dyan. At kung tayo’y magiisip lamang talaga, paano babawiin ng kandidato ang ganyang kalaking gastos sa eleksiyon. Pihadong magnanakaw ang mga yan. Di po ba?