Advertisers

Advertisers

Kasalanan ng INC?

0 539

Advertisers

HINDI biro ang Philippine Arena ng sektang Iglesia ni Cristo (INC). Tinatayang abot sa halos P10 bilyon ang ibinuhos ng INC para itayo ang pinakamalaking multipurpose at mixed use indoor arena sa buong mundo. Halos apat na taon ginawa ang Philippine Arena sa 140 ektarya ng Ciudad de Victoria, isang tourism enterprise zone sa mga bayan ng Bocaue at Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan.

May kalayuan ang Philippine Arena sa Metro Manila. Aabot ng 30 kilometro ang layo sa pusod ng Maynila. Pag-aari ang Philippine Arena ng New Era University, isang pamantasan ng INC. Tinataglay ng Philippine Arena ang mga bukod-tanging state of the art technology upang pagdausan ng iba’t-ibang event. May seating capacity na 55,000 ang pasilidad.

Kahit magarbo ang Philippine Arena, naibalitang lubog sa utang ang INC. Isang isyu na pinag-aawayan ng liderato ng INC. Noong 2014, hiningi ng INC sa gobyerno ni PNoy na bawasan ang buwis dahil para umano sa turismo ang proyekto. Bigyan ng insentibo ang proyekto, anila. Hindi pinagbigyan ni PNoy ang hiling ng pamunuan ng INC dahil hindi para sa turismo ang proyekto, ayon kay Kim Henares, ang commissioner noon ng BIR.



Dahil malayo sa Maynila, hindi kumikita ang Philippine Arena. Noong 2018, naibalita ang plano ng gobyerno na magtayo ng mga integrated terminal exchange (ITXs) sa hilaga at timog ng Metro Manila upang maging sentralisadong hintuan (terminal) ng mga bus pamprobinsya. Ito ang paraan upang maibsan ang nakakarinding trapiko sa EDSA.

Sapilitang isasara ang mga pribadong terminal sa EDSA at ililipat ang mga bus sa itinakdang Sta. Rosa Integrated Terminal (SRIT) sa Sta. Rosa, Laguna at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PTX) sa Parañaque City para sa mga pamprobinsyang bus na bumibiyahe sa bahaging katimugan ng Luzon. Para sa mga bus na bumabagtas sa hilaga ng Luzon, itinakda ang North Luzon Exchange Terminal (NLET) sa Bocaue, Bulacan. Katabi ito ng Philippine Arena na nanatiling isang patay na pasilidad hanggang ngayon.

Hiningi ng pamunuan ng INC ang terminal sa tabi ng Philippine Arena upang magkaroon ng galaw ang kabuhayan doon at kung maaari kumita ang INC. Hindi nagpatumpik-tumpik si Arturo Tugade at pinaunlakan ang hiling ng INC. Ngunit napakahirap puntahan ang NLET. Masikip ang mga kalsada sa Bocaue at Sta. Maria, Bulacan. Hindi madaling buhayin ang bayan ng Bocaue kahit itayo doon ang NLET.

Naglabas ang LTFRB noong 1019 ng Memorandum Circulars Nos. 2019-031 na nagtatakda ng babaan at sakayan ng mga bus na panlalawigan: SRIT, PTX, at NLET. Naglabas ang MMDA noong 2019 ng MMDA Regulation No. 19-002 na sapilitang isinara ang mga pribadong terminal ng bus sa kahabaan ng EDSA.

Kinuwestiyon ito sa husgado at natalo ang gobyerno sa asuntuhan. Naglabas noon 2019 ng writ of preliminary injunction si Quezon City Regional Trial Court Presiding Judge Caridad Walse-Lutero laban sa LTFRB Memorandum Circulars Nos. 2019-031 at MMDA Regulation No. 19-002. Inihain ang petisyon sa injunction ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus Sa Pilipinas, Inc., ang organisasyon ng mga bus pamprobinsya. Sumama ang hindi bababa sa 20 kompanya ng bus.



Hindi natapos ang kwento. Noong ika-26 ng Pebrero, 2021, gumanti ang gobyerno nang naglabas ang IATF ng Resolution 101 na muling itinatakda ang mga sentralisadong terminal – SRIT, PTX, at NLET. Ito ang ganti ni Arturo Tugade, ang kinamumuhiang kalihim ng DoTr. Muling ibinalik ng resolusyon ng IATF ang bisa ng ibinalibag na LTFRB memorandum circular at MMDA resolution.

Hindi tinanggihan ni Arturo Tugade ang hiling ng INC na panatilihin ang NLET bilang sentralisadong terminal para sa mga bus na bumabagtas sa hilagang lalawigan ng Luzon. Nanatili ang order ng IATF kahit na hindi magamit ang terminal dahil sa kakulangan ng mga pasilidad para sa mga bus na hihimpil, magsasakay at magbaba sa NLET. Hinuli ang mga bus na hindi dumadaan at gumagamit sa NLET bilang terminal.

Patuloy na iginigiit ng ilang lider ng INC na himukin ang mga bus pamprobinsya na gamitin ang NLET. Hindi sang-ayon ang mga operator dahil hindi pumupunta ang mga pasahero sa Bocause para makasakay sa mga bus papuntang norte.

Dahil sa sitwasyon, tumitindi ang kakulangan ng mga sasakyang pampubliko para sa mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan. Dumaming bigla ang mga sasakyang kolorum, o mga kotse at van na sinisingil na labis-labis sa mga pasahero na hindi makasakay sa NLET. Hindi matantiya ang bilang ng mga colorum na sasakyan. Walang itinakdang bilang ang gobyerno.

Hindi sila rehistrado; hindi sila nagbabayad ng buwis; at hindi sila nagbibigay ng anumang resibo. Bahagi sila ng “underground economy,” o ang nakatagong sektor ng pambansang kabuhayan. Sinasabing pag-aari sila ng mga local officials at retiradong heneral at koronel ng PNP at AFP. Hindi sila ginagalaw ng gobyerno. Hinahayaan ni Tugade at INC na magsamantala ang mga colorum na sasakyan.

Walang pananagutan sa batas ang mga colorum na sasakyan. Kung maaksidente sa lansangan, hindi sagot ng mga may-ari ng colorum ang mga pasahero. Pinangangambahan na nagkalat ng mapanganib na virus ang mga colorum dahil siksikan ang mga pasahero. Malaki ang nawawala sa gobyerno sapagkat hindi sila nagbabayad ng anumang buwis.

Samantala, walang mukha at bayag si Tugade na sabihin sa INC na ipawalang bisa ang IATF resolution at bubuwagin ang NLET. Takot siyang kumalaban sa INC. Hindi niya makontra upang itaguyod ang kapakanan ng mga milyong pasahero na umaasa sa pagbabalik ng mga pamprobinsyang bus..

Tinitiis ng mga pasahero ang kawalan ng bus. Pinapasan ang mabigat na halaga ng pamasahe ng mga colorum na sasakyan, Umaabot ng lampas tatlong ibayo sa sinisingil ng mga pampublikong bus. Hindi kontrolado ng gobyerno ang pamasahe ng mga colorum.

Samantala, hindi pinapansin ang NLET na katabi ng Philippine Arena. Walang tumatangkilik. Wala pakialam si Arturo Tugade kahit mahirapan ng todo ang mga pasahero..

***

MGA PILING SALITA: “Alam ba ni [Ferdie Topacio] ang kasong ginagalawan ni Quiboloy? Human trafficking ng church members using fraudulent visa application, sex abuse and molestation ng young church members tapos arranged marriage for immigration status. Donor solicitations to facilitate lavish lifestyles of church members and money laundering. The latter which was busted while key church personnel were about to board his chartered plane to bring out cash out of the country? So kailan naging paninira yan kay Duterte, BBM at Sara?” – Alex Abe, netizen

“With the FBI after his ass, Quiboloy should now prove himself that he has the keys to heaven.”-Jed Cepe, netizen