Advertisers

Advertisers

DUMPER TIGERS COCOLIFE HANDA NANG SUMABAK SA BAGONG PSL

0 160

Advertisers

SA pagluwag ng covid -19 alert level sa Kamaynilaan at malaking parte ng bansa, handa nang lumarga ang ligang pang- basketball na inaabangan ng lahat sa south.

Itutuloy na rin ng powerhouse Dumper Tigers COCOLIFE ang winning tradition nito ngayong ‘Year of the Tiger sa pagsabak ng koponan sa Pilipinas Super League – pinakabagong regional basketball association at posibleng ikalawang professional league sa South – sa susunod na buwan ng Marso, 2022.

Kinumpirma kamakailan mismo ng organisador ng bagong liga na sina Rocky Chan at Chelito Caro ng PSL.



“Basically, we have the same concept with Vismin Cup as we cater homegrown players. Although open pa rin sa mga Luzon players,” pahayag ni Chan sa paglulunsad ng ligang supotado rin ng Wilson at COCOLIFE kasama si PSL Commissioner Mark Pingris.

Pokus na ngayon sina Chan at Caro na nagpasimula rin ng matagumpay na VisMin Cup at Comm.Pingris para matutukan ng husto ang paghahanda sa Pilipinas Super League na inaasahang magbibigay ng mataas na kalidad ng basketball at kasiyahan sa mga basketball fans sa bansa, partikular sa Katimugan.

“Yes,Davao Occidental Dumper Tigers-Cocolife owned by congresswoman Claudine Bautista-Lim, Governor Claude Bautista and Dinko Bautista joins Pilipinas Super League as pioneering teams!” sambit ni Chan, pangulo ng PSL.

Ang Tigers na suportado rin nina COCOLIFE president Atty Jose Martin Loon ,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay naging kampeon sa Maharlika Pilipinas Basketball League- Lakan Cup ay binubuo ng mga kilalang players sa labas ng PBA tulad nina one-time MPBL MVP John Wilson, Bonbon Custodio,Billy Robles, Rob Celiz, Keith Agovida, Paulo Hubalde at Cebuano standout Emman Calo kaagapay sina Alwyn Alday, Gab Dagangon, Jason Grimaldo, Irvin Palencia, Allan Santos, Marco Balagtas, Jerwin Caco at Jose Peesbiterio.

Si mentor Alvin Bonleon ang head coach at assistants sina Manu Inigo at Matt Makalintal ayon kay deputy team manager Ray Alao.



“Hear us roar once more in Cebu PSL”,wika ni Alao na siya ring Vice President ng PSL.

Sinabi naman ni COCOLIFE SVP Ronquillo na ang PSL ang magiging barometro ng Dumper Tigers COCOLIFE sa misyong tradisyong tagumpay through basketball excellence ngayong taon ng mga tigre.

Bukod sa Dumper (Davao) Tigers COCOLIFE, lalahok rin ang MPBL Invitational champion Basilan BRT, Cagayan Valley Golden Eagles, Cagayan De Oro, Kapatagan, Lanao Del Norte, Roxas, Zamboanga del Norte, Pagadian, Lapu Lapu, Cebu. Boracay at Zamboanga Del Sur. “Inihahanda na namin ang iba pang kailangang dokumento, specially yung application namin sa Games and Amusements Board (GAB) to professionalize yung liga at mabigyan ng sanction,” pahayag ni Chan.

Nagpasalamat din si Chan sa agarang suporta na ibinigay ng Dumper Partylist, Phenom sportswear, MALYAB, Tri Energy Corp., at Zooey- distributed by: Blue Plastic Marketing.