Advertisers

Advertisers

DOH, dapat maglabas ng uniformed COVID19 fee charges

0 336

Advertisers

SA kabila ng maraming naghihirap na manggagawa ngayon o hirap buhay lalo nang umatake ang COVID 19 sa bansa, mayroon naman mga nagpapakasasa o nagpapayaman sa kaslukuyang sitwasyon.

Ops tama ba ang terminong ginami natin ang “nagpapakasasa”? Kayo na ang bahalagang humusga kung sinasamantala ba ng ilan klinika o laboratoryo ang mgapapatingin sa kanila ngayon panahon ng pandemya.

Hindi naman lingid sa atin kaalaman na simula noong pandemya, tumaas na ang singilin sa mga pribadong klinika o laboratoryo.Partikular na tinutukoy natin na klinika ay iyong may serbisyong inaalok na operasyon…sa loob ng klinika ginagawa ang opersyon para lang sa minor cases – tanggal bukol at iba pa habang ang iba ay iyong may serbisyong endesscopy and the likes.



Noong wala pangpandemya, pina-iingat tayo ng doble-doble para hindi magkasakit pero nang umatake si COVID hindi lang doble ingat ang ginagawa natin kung hindi ay higit pa para hindi tayo mahawaan ng nakamamatay na virus.

Nakatatakot magka-covid lalo noong wala pang bakuna, maraming namatay hanggang naman ngayon pero malaki na ang ibinaba ng bilang ng namamatay.

Sa ngayon kapag magpabunot ng ngipin, magpa-opera sa mga pribadong klinika o magpasailalim ng endescopy and the likes, para makaseguro ng pamunuan ng klinika o laboratoryo, kinakailangan magpa-swab test muna ang pasyente. Kailangang negatibo ng resulta.

Tama naman ang proseso at hindi tayo tutol diyan lamang, dapat siguro na makialam na ang Department of Health (DOH) sa ibang kalakaran na ipinatutupad ng mga o ilang pribadong klinika o laboratoryo.

Mayroon kasing masasabing ilan sa mga natukoy ay tila sinasamantala na ang COVID sa pamamagitan ng pagkarga sa kung ano-ano nang COVID charges sa kanilang pasyente. Yes, mayroong nang karagdagang COVID fee charges – charge sa pasyente ang pag-disinfectant sa clinic, charge sa pasyente ang gamit na PPE, charge sa pasyente ang paglinis o pag-disinfectant sa mga nagamit na aparato at iba pa.



Naintindihan natin iyan dahil nga sa nagkaroon ng additional na serbisyo ang klinika pero ang nakatatawa dito ay ang paglilinis ng klinika ay dati naman na, ibig kong sabihin noong pa man ay nagdi-disinfectant na sila. E ba’t ngayon ay bigla na sila nagpapabaya sa expenses ng kanilang paglilinis sa klinika? Lumalabas na noon ay hindi pala sila naglilinis ng klinika nila. Walis-walis at punag-punas lang.

Ang mga aparato o gamit naman sa pag-oopera ay dati na nilang dini-disinectant. So, ngayon ba’t may charge na? PPE charge, sige nauunawaan natin iyan lalo na kapag disposable ang ginagamit.

Yes, napakahirap na talaga ngayon kahit na simple lang ang gagawin sa pasyente, napakarami ng kung ano-anong COVID fee charges ang ipnapattong sa bill.

Sige, ipagpalagay natin ligal ang charges na ito pero, dapat lamang siguro na mamasukan na ang DOH sa charges na ito dahil marami na ang nananamanta o nagpapayaman sa COVID charges.

Sana ang gawin ng DOH ay maglabas ng mga uniformed COVId charges fee para sa mga pribadong klinika na nagsassagawa ng operasyon, endescopy at iba pa.

Simula nang umatake ang pandemya, mas ginusto na kasi ng nakararami na magpatingin o magpa-opera “minor operation”, endescopy, colonscopy sa mga pribadong sektor kaysa ospital ng pamahalaan dahil sa takot na mahawaan ng COVID.

Kaya sana ay maglabas ang DOH ng panuntunan ng tamang paniningil sa kung ano-anong COVID fee charges na sinisingil ng ilan/mga pribadong klinika maging sa ilan/mga malalaking pribadong ospital. Grabe din sila maningil ng COVID fee charges.