Advertisers

Advertisers

Kaso naisampa na sa mga pumaslang kay Malabanan

0 2,416

Advertisers

UPDATE lamang ito matapos ang halos dalawang buwan nang pagpaslang sa beteranong journalist na si Jesus “Jess” Malabanan.

Naisampa na ng Philippine National Police (PNP) ang kasong ‘murder’ laban sa dalawang suspek na may kinalaman sa krimen.

Pinangunahan ito ng PNP’s Special Investigation Task Group (PNP-SITG) na binuo upang masinsinang maimbestigahan ang pagpatay kay Malabanan. Naging matagumpay naman ang kinalabasan ng imbestigasyon na nauwi sa pagpa-file ng murder charge sa mga suspek na sina Aries Solomon at Jerry Trinidad, na pawang taga-Tinambacan District, Calbayog City.



Pinupuri at pinasasalamatan natin ang bawat miyembro ng PNP na nagpursige sa pagiimbesiga ng kaso sa pagpaslang sa ating kabaro sa media at kaibigan kong si Jess.

Kasama ko sa nagpapasalamat ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), sa mabilis na pagkakakilanlan ng mga salarin.

Nakatutok tayo at ang PTFoMS nang palagian sa mga ganitong kaganapan at sa SITG Malabanan, na may lubos na pagtitiwala na malulutas agad ang kaso at matutukoy ang may kagagawan ng pamamaslang.

Nakasisiguro na tayo na kasunod nito’y ang hustisya na para kay Malabanan, kabalikat ang PTFoMS na itinatag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging kaagapay ng mga mamamahayag sa bansa.

Mamamahayag si Malabanan, at iba’t ibang news outfits na ang kanyang kinabilangan, ngunit siya ay pinagbabaril ng mga naka-motorsiklong “riding-in-tandem” na mga salarin sa loob mismo ng kanyang maliit na tindahan sa Calbayog City noong Dec. 8, 2021.



Noong una pa lamang kinumpirma na ng PNP-SITG na bagamat mamamahayag si Malabanan, ang pagpatay sa kanya ay may ibang kadahilanan.

Ayon sa PNP, ang pinaka-motibo sa pagpaslang ay ang hidwaan sa isang malawak na lupain sa Calbayog, at si Malabanan ang tumatayong kinatawan ng isang panig na binubuo ng mga magbubukid na inilalaban ang kanilang karapatan sa nasabing lupain.

Siyempre, kahit na inihayag na walang kinalaman sa hanapbuhay ng biktima ang pagpatay, mamarapatin pa rin PTFoMS na madakip at matukoy ang tumatayong masterminds sa krimeng ito at maging mga kasabwat nila, gamit ang lahat ng manpower at resources na nasa ilalim ng Pangulo dahil utang namin sa mga Filipino ang pagkakalutas ng kasong ito.

Sa bumubuo ng SITG, gaya nila PCol Peter U Limbauan, SPPO – SITG Commander; PLT Herbert Mendoza, CIDG8 – Asst. Commander; PLT Aileen G Velarde, SPPO – Spokesperson; PCPT Michael Justie T Baldugo, RLO8 – Legal Officer/Member; PLTCol Norman D Ala, SPPO – C, PIDMU/OIC, PIU; PLT Nesmark Dave J Julian, RCLO8 – PO Crime Lab; PMaj Ralph O Bangoy, RIU8 – TL, RIU Samar, RIU8; PCMS Ladislao Z Cabello, SPP – Coordinator/Case Record Officer; PLTCol Teodulfo C Manatad Iii, SPPO – COP Calbayog City; and, PSSG Emelito Y Bernales, SPPO – Investigator, maraming maraming salamat sa inyo, mga Sir.