Advertisers

Advertisers

BONG GO: PRRD, WALANG SASAYANGIN ORAS SA HULING ARAW NG TERMINO

0 323

Advertisers

NANINDIGAN si Senator Christopher “Bong” Go na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng makakaya sa paglilingkod sa bansa at patuloy na gagampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo kasabay ng paniniyak na walang sasayanging oras sa paglilingkod ang Chief Executive hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People address noong Pebrero 7, na nag-iimpake na siya ng mga gamit para mabakante nang maaga ang Palasyo ng Malacañang.

“Ganun naman talaga ang buhay. Lahat ng bagay ay may pagtatapos. Kaya naghahanda na si Pangulong Duterte dahil alam naman nating patapos na ang kanyang termino,” ani Go.



“Ginawa niya ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya,” idinagdag ng senador.

Nagsimula ang termino ni Duterte noong Hunyo 30, 2016, nang siya ay nanumpa bilang ika-16 Pangulo ng Pilipinas.

“I am packing my things… So I should be out…by March. Wala na ako dito by April. Hindi na ako dito matutulog. Kung saan ako dadalhin ng Diyos, doon ako mag-practice matulog, ” sabi ni Duterte kanina.

Sinabi ni Go na tinitiyak ni Duterte ang maayos na paglipat ng kapangyarihan para sa susunod na mahahalal na pinakamataas na pinuno ng bansa.

Gustong siguraduhi ng Pangulo na maayos ang transition patungo sa susunod na administrasyon ng kung sino man ang pipiliin ng taumbayan sa halalan.



Hanggang sa dumating ang araw na iyon, tiniyak ni Go na patuloy na maglilingkod ang Pangulo sa sambayanang Pilipino.

Hinggil sa anumang pag-endorso ni Duterte sa isang kandidato sa pagkapangulo, muling iginiit ni Go na ang Pangulo lamang ang gagawa ng pinal na desisyon kung sino ang ieendorso, kung mayroon man.

“Abangan na lang po natin at magtiwala tayo sa kanyang pagpapasyahan,” anang mambabatas.