Advertisers
SA unang linggo ng arangkada ng kampanya sa nasyunal para sa May 9 election, tumalon na ng ibang partido ang ilang supporters ni outgoing President Rodrigo “Digong” Duterte.
Ito yong mga supporter ng umatras na presidential aspirant na si Senador Bong Go, ang bibig at kanang kamay ni Digong.
Kabilang sa mga tumalon sa kampo ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno ang alkalde ng Rodriguez, Rizal na si Dennis Hernandez.
Ang gobernador ng Rizal ay nagpahayag noon ng suporta kay Sen. Go.
Pero sa pag-atras ni Go, dahil narin sa pagtakbong Bise President ng anak ni Digong na si Sara sa tiket ni Bongbong Marcos Jr., sinabihan ni Rizal Gov. Rebecca Ynares ang kanyang mga alkalde na bahala na sila kung sinong presidentiables ang kanilang susuportahan.
Si Isko ng partidong Aksyon Demokratiko ang napusuan ni Mayor Hernandez na suportahan sa darating na halalan.
Si Isko ay pumapangatlo sa mga survey sa likod ng nagdidikdikan sina Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo.
Pero sa unang linggo ng pormal na kampanya, mabilis na umaakyat ang rating ni Isko. Wish natin ay makadikit siya sa ratings nina Marcos Jr. at Robredo bago ang buwan ng halalan.
Goodluck, Kois!
***
Grabe naman itong Davao City government. Inisnab nila ang hinihinging permit ng kampo ni Robredo para magsagawa ng caravan sa lungsod noong Day 2 ng kampanya sa nasyunal.
Sabi ng organizers ng Robredo caravan, binubuo ng higit 170 sasakyan, dapat ay noong Day 1 (Peb. 8) sila nagsagawa ng caravan kasabay sa ibang lugar. Pero minabuti nilang mag-aplay muna ng permit. Ngunit hindi sila binigyan. Dahil mayroon daw City Ordinance na bawal magsagawa ng mass gathering sa lungsod. Ang pinapayagan lamang ay hanggang 25 katao.
Sa kabila ng kawalan ng permiso ng city govt., itinuloy ng supporters ni Robredo ang kanilang caravan paikot sa lungsod.
Kung hindi ito gagawin ng Robredo supporters, hindi sila makakaikot sa lungsod, hindi sila makikita ng mga taong gusto rin si Leni.
Target ng kampo ni Robredo na makakuha ng at least 30 to 40 percents ng boto sa Davao.
Sa totoo lang, repapips, marami rin sa taga-Davao ang boto kay Leni para maging sunod na pangulo ng bansa. Pakiramdam ko nga ay baka manalo pa si Leni dito sa lungsod ni Duterte e. Pramis!
***
Iginigiit ng DILG na maari nilang pigilan ang pagsagawa ng malakihang pagpupulong ng mga kandidato kapag walang permit bilang pagsunod sa IATF protocols kontra Covid-19.
Aba’y kung gagawin nila ito, dapat sa lahat ng kandidato hindi doon lang sa kalaban ng kanilang pinapaboran.
Dapat sa panahon ng kampanya, ang magbibigay ng permit sa mga campaign rally ay ang Comelec na, hindi ang LGU.
Dahil ang LGU obviously ay laging may pinapaboran lalo kung ang kandidato ay hindi kaalyado o kapartido ng mayor o gobernador. Yes! Dapat Comelec lang ang magbibigay ng permit sa caravan o campaign rally. Mismo!