Advertisers

Advertisers

MALAKANYANG, KUMPIYANSANG MATATAPOS NGAYONG TAON ANG COVID-19 PANDEMIC

0 404

Advertisers

NANINIWALA ang Palasyo ng Malacañang na maaari nang matapos ang nararanasang COVID-19 pandemic sa bansa sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.

Ito ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles ay base na rin sa ilang mga kondisyon na dapat masunod upang tuluyang matuldukan ang pandemya.

Kabilang sa mga kondisyong ito ay dapat makamit ng bansa ang 70% na target population ang nabakunahan na pagsapit ng kalagitnaan ng taong 2022.



Target din ng pamahalaan na mabakunahan ang 90 milyong mga Pilipino bago tuluyang bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte o higit pa sa 70% na hinihinging requirement ng World Health Organization (WHO).

Binigyang diin pa ng opisyal na nasa kamay ng bawat isa sa atin ang ikatatagumpay ng laban sa COVID-19 o ang pagtutulungan at kooperasyon kung saan mahalaga ang patuloy na pagtalima sa health and safety protocols.

Giit pa ni Nograles na hangga’t nananatili ang banta ng COVID-19 importante ang pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay, umiwas sa matataong lugar, magkaroon ng maayos na daloy ng hangin o ventilation at bakuna.

Samantala malaki rin ang posibilidad na papunta na ang bansa sa tinatawag na “new normal.”
Sa harap ito ng patuloy na pagbaba ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, posibleng pagsapit ng Marso ay maglalaro na lamang sa 1,000 hanggang 2,000 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa.



Samantala, para kay David, malaki ang naitulong ng vaccination program ng gobyerno para mapababa ang bilang ng tinatamaan ng virus at magkaroon ng population immunity laban sa Omicron variant

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.