Advertisers

Advertisers

Mahusay na pahayag ng RTF6-ELCAC

0 440

Advertisers

HINAHANGAAN ko ang paglalabas ng pahayag ng Regional Task Force 6 (RTF6) ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mariing kinukundina ang pangingikil ng mga CPP-NPA-NDF tuwing panahon ng eleksiyon.

Sa kanilang pahayag kailangan raw harapin ang ganitong masaklap na katotohanan, na ang halalan ay isang panahon ng ‘money-making’ para sa mga komunistang-terorista.

Ito raw ay buong bansang pangingikil ng CPP-NPA-NDF para sa kanilang “Permit to Campaign” at ‘Permit to Win” mula sa kandidatong nagsusunod-sunuran naman.



Sabi ng RTF6-ELCAC matagal ng sistema ito, dahil marami sa ating mga pulitiko ay ‘pulpol’, bumibigay para sa kanilang pagkapanalo, at nakikipagkuntsabahan pa nga sa mga ‘pseudo legal front organizations’ ng mga komunistang-terorista para lamang magkaroon ng boto kahit na ginamitan ito ng pananakot, dahas at pamimilit sa mga botante.

Isa pang katotohanan, ayon sa RTF6 ay talagang dinadaan sa dahas at pananakot ng CPP-NPA-NDF ang ating mga kababayan sa mga kanayunan para maiboto rin ang kanilang mga front na Partylist gaya ng KABAG – Kabataan, Anakbayan, Bayan Muna, ACT at Gabriela.

Kalimitan pa nga ay ino-offer ng mga CPP-NPA-NDF ang kanilang armadong pwersa bilang “private army” sa mga hunghang na politiko lalo na sa mga kanayunan. Nakalaang pumatay ng mga botanteng di kapanalig, kapalit ang malaking halaga ng nakaw na pera ng kandidato.

Ang makukuhang pera o pondo sa mga pulpol na pulitiko ang pinangbibili ng CPP-NPA-NDF ng mga armas, na kung minsan ay kanila mismong ginagamit sa pagpatay din sa mga pulpol na pulitiko, sa ating mga sundalo at mga inosenteng kababayan.

Sa kagustuhang manalo sa eleksiyon, ang pulpol na pulitiko na ganid sa kapangyarihan at may pera ay susunod na lamang sa mga kagustuhan ng mga komunistang-terorista. Kailan pa kaya sila matututo.



Salamat sa RTF6-ELCAC, at sana mabasa rin ang pitak na ito ng mga pulpol na pulitiko.