Advertisers

Advertisers

BONG GO: DAHIL SA PAGTUTULUNGAN, PH ‘LOW RISK’ NA SA COVID-19

0 184

Advertisers

NANAWAGAN si Senator Bong Go ng patuloy na kooperasyon ng bawat Pilipino upang ang pang-araw-araw na mga bagong kaso ng COVID-19 ay tuluyang bumaba.

Nagagalak si Go dahil ang Pilipinas ay iniulat ng Palasyo ng Malakanyang na bumalik sa low-risk classification para sa COVID-19.

Umaasa ang senador na sa patuloy na pagbabantay at pagtutulungan ng lahat, ang bilang ng arawang kaso sa bansa ay patuloy na bababa.



“Kung ma-rerelax natin ang mga restrictions at ibang protocol, inaasahan natin na mas maraming sektor ng ekonomiya ang mabubuksan. Mas marami sa ating mga kababayan ang magkakahanap-buhay at makababalik sa kanilang mga trabaho muli. Ibig sabihin, mas maraming pamilya ang makababangon mula sa hirap na dulot ng pandemya,” paliwanag ng mambabatas.

Subalit sinabi ng senador na dapat ay dahan-dahan itong gawin at maingat na balansehin ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

Noong Pebrero 15, sinabi ni Go na nakapagtala ang Department of Health ng 2,010 bagong kaso, ang pinakamababa ngayong taon.

Aniya, ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ay resulta ng dalawang taong pakikipaglaban at sakripisyo ng bansa laban sa pandemya.

“Bagama’t hindi pa naman natin sinasabi na ito ay downward trend na, nakikita naman natin ang magagandang resulta ng halos dalawang taon nating sakripisyo habang nakikipaglaban sa pandemya,” sabi ni Go.



Inaasahan niya na patuloy pang bababa ang mga kaso ng COVID-19 kung mas marami pang kababayan natin ang mababakunahan.

Sa isang press briefing, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga mamamahayag na ang Pilipinas ay itinuturing na ngayong low risk para sa COVID-19 dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso.

Iniulat ng DOH na ang average na pang-araw-araw na bilang ng kaso ngayong linggo ay 56% na mas mababa kaysa noong nakaraang linggo.

Binanggit pa ni Nograles na ang talamak na yugto ng pandemya ay maaaring matapos ngayong taon sa kondisyon na 70% ng populasyon ay ganap na nabakunahan sa kalagitnaan ng 2022.

Tiniyak ng opisyal na nananatiling nakatuon ang gobyerno sa layuning mabakunahan ang 90 milyong Pilipino bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, ikinatuwa ni Go, chairman ng Senate Committee on Health, ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Araw ng mga Puso na nagsabing higit sa kalahati ng mga Pilipino ay pipiliin ang mabuting kalusugan kaysa sa pag-ibig at pera.

“Patunay ito sa panahon ngayon, mas binibigyang-halaga na talaga natin ang ating kalusugan kumpara sa ibang bagay.”

“Ito siguro ang positibong resulta ng COVID-19 pandemic dahil naging conscious na tayo kung paano mapananatiling ligtas ang ating sarili sa iba’t ibang sakit, maging ang ating mga pamilya at komunidad,” sabi ni Go.