Advertisers

Advertisers

Leyco, hindi karapat-dapat bilang PLM president — CSC

0 801

Advertisers

PINAWALANG-BISA na ng Civil Service Commission (CSC) ang appointment ni Emmanuel Leyco bilang pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Sa walong-pahinang desisyon, sinasbi ng CSC na hindi pasok si Leyco sa sapat na“education requirement” para sa posisyon ng PLM president.

Ipinunto ng CSC sa desisyon nito na sa ilalim ng Qualification Standards (QS) na nakapaloob sa1997 Revised Qualification Standards Manual, ang mga kwalipikasyon para sa isang state university president ay kinabibilangan ng sapat na doctoral degree at limang taong karanasan sa isang posisyon na may kinalaman sa “management” at “supervision” na pawang wala si Leyco.



Pirmado nina CSC chairperson Alicia dela Rosa-Bala at CSC Commissioner Atty. Aileen Lourdes Lizada ang desisyon na nagbabasura sa petition for review na iniharap ni Leyco kaugnay ng desisyon ang CSC-National Capital Region (NCR) noong Pebrero 13, 2020, kung saan nakasaad na pinapawalang-bisa nga ang appointment ni Leyco dahil sa kabiguan nitong ma-meet ang education requirement para sa posisyon ng PLM president.

“Verily, he (Leyco) failed to fully meet the qualification for the position. A copy of the decision shall be furnished the Commission on Audit (COA)-PLM for its appropriate action,” ayon sa desisyong inilabas ng CSC nito lamang January 18, 2022.

Batay sa records ng kaso, si Leyco ay naitalaga sa PLM noon July 1, 2019, hindi bilang Presidente kungdi bilang miyembro lamang ng board of regents ng PLM sa loob ng anim na taon.

Noong July 10, 2019, hinalal ng PLM-BOR si Leyco bilang Presidente. Gayunman, noong February 13, 2020 ay pinawalang-bisa ng CSC-NCR ang nasabing appointment ni Leyco dahil wala itong doctorate degree na isang educational requirement para sa pagiging PLM President.

Nagharap si Leyco ng petition for review at nitong January 18, 2022 ay dinismis ng CSC ang kanyang petisyon at pinanindigan ng CSC ang nauna nitong desisyon noong Pebrero 2020 na hindi karapat-dapat si Leyco sa nasabing pwesto.



Anang CSC, sakop ng 1997 Revised Qualification Standards Manual ang PLM dahil ito ay isinailalim ng Commission on Higher Education (CHED) sa kategoryang local university dahil ang budget nito ay nagmumula sa pamahalaang-lokal ng Maynila.

Mabuti na lamang at nailabas sa oras ng CSC ang desisyon ukol dito dahil kung nagkataon, pipirmahan ni Leyco ang diploma ng mga ga-graduate tapos hindi naman pala balido ang kanyang appointment?

Mabuti rin at hindi nagtagumpay ang tangkang pagbali sa mga regulasyon ng CHED nang magpasa ng board resolution noong November 2020 kung saan sa halip na pataasin ang kwalipikasyon ng matataas na opisyal ng PLM, particular na ng mismong presidente, ay pinabababa pa ito.

Gaya na lamang sa kaso ng President ng PLM kung saan nakasaad sa board resolution na sa halip na doctoral degree ay masteral degree na lamang ang dapat na kwalipikasyon. Marami ang hindi ito nagustuhan kaya naman congrats sa CSC para sa desisyon na ito.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.