Advertisers
BABALA sa mga manggagawa ng gobyerno: Bawal magsuot ng damit na nagpo-promote ng isang kandidato sa oras ng trabaho.
Ito ang tinuran ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada sa panayam ng media.
Aniya, puwede namang magsuot ng kahit anong kulay ng damit o political color ang isang govt. employee sa “civilian days” basta’t walang pangalan o mukha ng politiko at may nakalagay na “vote”.
Ito’y para narin hindi pag-initan ang isang manggagawa sakaling matalo ang kanyang ipino-promote na kandidato.
Nauuso kasi ngayon sa politika ang pagkaroon ng identification color ang mga kandidato. Tulad ni Vice President Leni Robredo, ang political color niya ay Pink. Kay Bongbong Jr. Marcos ay Red, at ang kay Manila Mayor Isko Moreno ay Blue.
Ipinapayo sa govt, workers na kapag “civilian day”, mostly Biyernes, maging maingat sa pagsuot ng kulay ng damit, dapat ay walang pangalan ng kandidato/politiko upang hindi maisyuhan o ma-bully ng supporters ng sinumang kandidato. Mismo!
***
Isko kay Lacson:
“Kailangan ko ang isang kalidad ni Ping Lacson para sa paglaban sa korapsyon at pagdisiplina sa gobierno.”
Ito ang tinuran ni presidential aspirant Isko Moreno nang tanungin kung sino ang gusto niya makasama sa pagpatrakbo sa pamahalaan kapag siya’y nahalal na pangulo ng bansa sa Mayo 9,
Si Lacson ay kandidato rin sa pagka-pangulo. At magkasunod sila sa number 3 at 4 sa mga survey, malayo sa likod ng mga nangungunang sina Bongbong Marcos at Leni Robredo.
Sabi ng mga political analyst, so far ay malayo sa katotohanan na makahabol pa sina Isko at Lacson sa frontrunners na sina Marcos at Robredo.
Ang maari anilang sunod na lider ng bansa ay malamang manggaling sa pagitan nina Marcos at Robredo. Let’s see sa Mayo 9, election day.
***
Banat ni Pacquiao:
Kapag ang isang kandidato ay umiiwas sa face to face dabate ito raw ay walang pinagkaiba sa magnanakaw.
“Kapag ganyan na umiiwas sa mga face to face debate, dapat alam na ng taumbayan na hindi sila dapat pagkatiwalaan. Walang pinagkaiba ‘yan sa mga magnanakaw na ayaw magpa-polygraph test pero todo tanggi sa kanilang ginawang krimen.”
Ang pinatatamaan dito ni presidential aspirant Manny Pacquiao ay ang isa sa mga katunggali na si Bongbong Marcos Jr. na ilang beses tumanggi o ‘di sumipot sa mga presidential debate na inorganisa ng malalaking media network tulad ng GMA7 hosted by multi-awarded broadcast journalist Jessica Sojo, at ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP).
Ang tanging dinaluhan ni Marcos na debate ay ang kay Pastor Apolo Quiboloy na kilalang supporter niya. Hindi naman dito dumalo sina Robredo, Pacquiao at Lacson.
Si Quiboloy ay dinemanda ni Pacquiao ng P100-milliin Cyber Libel. Kritiko rin siya ni Robredo.
Si Quiboloy ay “wanted” ng FBI sa Amerika.
Sa pa-debate ni Quiboloy, pinagtawanan ng netizens ang mga sagot ni Marcos. Wala raw laman ang mga sinasabi nito. Ganun?