Advertisers
UMALMA ang kampo ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa ginagawa ng Commission on Election (ComElec) at pulisya na pambabaklas sa malalaking tarpaulins ni Robredo sa mga pribadong lugar.
Samantalang ang oversize tarps din ng mga katunggali ni Robredo ay hindi ginagalaw.
Sabi ni senatorial candidate Atty. Chel Diokno, isang human rights lawyer, walang karapatan o kapangyarihan ang ComElec na pasukin at baklasin ang tarpaulins ng kandidato kung ito’y nasa pribadong lugar at mismo ang may-ari ng property ang nagpagawa at nagkabit nito.
Ito rin ang pahayag ng nagbabalik na kandidatong senador n si Chiz Ezcudero.
Maging si retired ComElec Commissioner Rowena Guanzon ay nagsalita sa ginawa ng mga tao ng ahensiyang dati niyang pinamumunuan: “Dapat i-review ang ComElec resolution dahil baka outdated. May Supreme Court decision noong 2015 na kung nasa provaye property, hindi pwedeng pakialaman kahit anong size at kung sila naman ang gumastos.”
Todo depensa naman ang tagapagsalita ng ComElec na si James Jimenez. Aniya, “Una, pinapasok ang tao at pinapayagang baklasin (ang illegal campaign materials) o mismong may-ari ang kusang magbabaklas. Ngayon, kung hindi susunod, pwede tayong magkaso, dadaan sa due process.”
Sa opinion ko, tama ang depensa nina Atty. Diokno, Atty. Escudero at Atty Guanzon. Hindi dapat pakialaman ng ComElec ang oversize tarps kung ito’y nasa pribadong lugar at ang nagpagawa at ang nagkabit ay mismong ang may-ari ng property. May decision na nga ukol sa isyung ito ang Korte Suprema noong 2015. Mismo!
Ang dapat baklasin at kasuhan ng ComElec ay ang mga nagkakabit sa mga gusali na pag-aari ng gobierno, kabilang na rito ang barangay hall, barangay at municipal health centers. Oo! Dahil sa mga probinsiya ay lantaran na ang ginagawa ng barangay officials na paglagay ng tarps ng pinapaborang kandidato sa barangay hall. Mga gago nga!
Ang isa pang dapat bombahin ng ComElec ay itong barangay chairman na hinaharang ang pangangampanya ng kontrang kandidato sa kanilang komunidad.
Tandaan: Ang barangay ay non partisan, hindi dapat nagpapagamit sa sinumang kandidato sa panahon ng halalang lokal o nasyunal. Mismo!
***
Sinasaluduhan ko itong si Defense Secrertary Delfin Lorenzana sa pagbigay ng babala sa mga opisyal ng militar na nangha-harass sa mga supporter ng kandidatong hindi nila suportado.
Ito’y nang may isang sibilyan ang nagreklamo sa ginawa ng isang opisyal ng militar na pinabaklas ang sticker ni Leni Robredo sa kotse nito.
Say ni Lorenzana, parurusahan niya ang nasabing opisyal. Dapat aniyang tandaan ng mga AFP personnel na hindi nila trabaho ang mambaklas ng anumang campaign paraphernalias as long na wala itong violations.
Ganito rin ang ginawang paalala ng pamunuan ng PNP sa kanilang mga personnel. Bravo!
***
Viral sa social media ang pagkasugat sa wrist ni presidential aspirant Bongbong Marcos. Sabi ng mga suppoter niya, hiniwa raw ng blade ng kontra BBM.
Pero sa tingin ko, ang suot na relo ni BBM ang nakasugat sa wrist niya. Maaring nangyari ito nang makipagkamay siya sa nagkakagulo niyang supporters nang bigla niyang hilahin ang kanyang kamay nang hawakan siya sa may pulso ng naghihiyawang supporters. Mismo!