Advertisers
UMUSAD sa quartefinals ng first leg ang San Miguel Beermen sa PBA 3×3 second conference kahapon linggo, matapos ang komportabling 22-13 wagi laban sa CAVITEX sa knockout game.
Makakasagupa ng San Miguel ang unbeaten Barangay Ginebra Gin Kings sa quarterfinals, winalis ng Ginebra ang Pool A, 4-0, nitong Sabado.
Nangunguna sa Top B, ay ang TNT Tropang GIGA, na makakalaban ang Pool C second placer Purefoods TJ Titans.
Defending first conference champion Limitless Appmasters ang nangunguna sa Pool C na may 3-0 rekord ay makakalaban ang Platinum Karaoke, ang second place team sa Pool A, sa quarters.
Samantala, ang Meralco 3×3 at Sista Super Sealers ay mag face off sa last quarterfinal match-up.