Advertisers

Advertisers

SOLO PARENTS SA SAN PABLO CITY, LAGUNA INASISTEHAN NI BONG GO

0 230

Advertisers

BINIGYANG importansiya at inayudahan noong February 11 ng tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng mga solo parent sa San Pablo City, Laguna.

Sa ipinairal na kaukulang safety and health protocols, ang mga staff ni Go ay namahagi ng meals and masks sa may 1,000 solo parents sa San Pablo Covered Court.

Sa video message ni Go ay hinikayat nito ang mga benepisaryo na makilahok sa national vaccination program para may proteksiyon laban sa COVID-19.



“Magtiwala ho kayo sa bakuna. ‘Pag nasa priority list na ho kayo, magpabakuna na po kayo para po protektado kayo at ang inyong pamilya. Nasa datos naman po, ‘pag kayo po ay bakunado, mas protektado po kayo sa pagkasakit ng COVID-19 o ito pong grabeng pagkasakit ng COVID-19 at maiwasan po ang pagkamatay ‘pag kayo po ay protektado,” pagpupunto ni Go.

“Ang bakuna lamang ang tanging susi o solusyon sa ngayon upang unti-unti tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” dagdag pa nito.

Ang koponan ni Go ay namigay rin sa mga piling residente ng computer tablets, sapatos at bisekleta bilang pantulong sa pangangailangan ng mga ito.

Bahagi sa isinasagawang effort ng gobyerno para maibsan ang matinding epekto ng pandemya sa vulnerable sectors, ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng financial assistance.

Samantala, si Go ay nag-offer ng karagdagang suporta sa mga nangangailangan ng medical care na pinayuhan ang mga benepisaryong magtungo sa San Pablo City General Hospital o sa Laguna Medical Center ng Sta. Cruz na kinaroroonan ng Malasakit Centers at handang umasiste sa hospital at iba pang medical-related expenses.



Naitatag noong 2018 na si Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act, ay isang one-stop shop ang Malasakit Center na kinaroroonan ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office na laang umasiste sa mga mahihirap at indigent patients

“Mayroon na ho tayong 149 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong po sa mga poor and indigent patients, zero balance po ang target po ng Malasakit Center,” saad ng senator.

Sa nasabing aktibidad ay pinasalamatan ni Laguna 3rd District Representative Marisol Aragones Sampelo ang pagsuporta at pagsusulong ni Go sa kapakanan ng mga solo.parent sa buong bansa.

“Hindi lang po ako ang tumatayo para sa solo parents. Ang katuwang po natin dito, Senator Bong Go. Maraming, maraming salamat po sa inyong pagmamahal sa solo parents. Hindi lang po kayo, marami po akong hinihingi na tulong sa kanya para tulungan ang solo parents,” pahayag ni Rep. Sampelo.

Bilang pagkilala sa kinakaharap na suliranin ng mga solo parent sa pag-aalaga ng kanilang mga pamilya ay isinusulong ni Go ang pagpasa ng bill na mag-aamyenda sa Solo Parents’ Welfare Act of 2000 at mapayagan ang gobyernong makapagbigay ng mas magandang suporta sa single-parent households.

Inihain noong 2020, ang Senate Bill No 1411 na co-authored at co-sponsored si Go ay nagmamandato sa development ng comprehensive package of social protection services para sa solo parents at sa kanilang mga anak na mabigyan ng
livelihood opportunities at counseling services. Lahat ng empleyadong solo parents ay qualified para sa seven-day parental leave with pay. Ito ay pumasa na sa 3rd and final reading sa Senate noong December 13.

Bilang pagtatapos sa mensahe ni Go ay pinasalamatan nito ang mga local official sa pagtulong nila sa kanilang mga constituent sa panahon ng mga pagsubok kasunod ang paglitanya nito na, “Salamat po sa inyong tulong sa panahong ito. Huwag niyo pong pabayaan ang ating mga kababayang mahihirap po.”

Matapos ang okasyon sa nasabing lugar ay nagtungo naman ang koponan ni Go sa San Pedro City at namahagi ng ayuda sa mga fire victim.

Para makalikha pa ng maramng economic opportunities sa Laguna ay nagbigay suporta si Go sa iba’t ibang infrastructure projects para sa buong probinsiya kabilang na ang construction ng multipurpose building at line canal sa San Pablo City.

Sinuportahan din nito ang construction ng farm-to-market road sa Sitio Sta. Ana, Barangay Ermita at sa construction ng multipurpose covered court sa Brgy. Ibaba del Norte ng Paete; ang construction ng drainage canal sa Brgy. Banaybanay, Cabuyao City; at ang acquisition ng ambulance unit para sa Brgy. Macabling at sa repair ng mga primary road sa loob ng Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa City.

Nagbigay suporta rin ito sa construction ng multipurpose buildings sa Cavinti, Liliw, Lumban, Majayjay, Pagsanjan, Pila, Sta. Cruz at Sta. Maria; acquisition ng ambulance units sa Calamba City, Liliw, Magdalena at Nagcarlan; acquisition ng multipurpose vehicle sa Magdalena; installation ng street lights sa Lumban at Magdalena; construction ng slaughterhouses sa Mabitac, Nagcarlan at Pagsanjan; at ang construction ng public markets sa Liliw, Nagcarlan, Pagsanjan at Rizal.

Noong 2019, si Go ay idineklarang adopted son ng CALABARZON region sa pamamagitan ng manifesto na ipinalabas ng mga Gobernador ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.