Happy Cup office nina Toni, Alex, at Mommy Pinty, nasa Gonzaga Bldg. na sa Taytay, Rizal; Panaghoy Ng Ina, heavy drama movie
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA latest vlog ni Alex Gonzaga sa kanyang Youtube Channel na may 12.2 (still counting) milion subscribers ay nag-office tour siya sa bagong office ng kanilang business na Happy Cup ng sister na si Toni at Mommy Pinty Gonzaga.
Grabe, world class ang bagong opisina ng Happy Cup na located sa Gonzaga Bldg sa Taytay, Rizal na pag-aari ng mga Gonzaga sa pamumuno ng popular vlogger na ring si Mommy Pinty.
Tinour ni Alex ang kanyang milyon-milyong viewers sa kanilang malawak at magandang office mula sa kanilang reception, conference room, office department, dining area at warehouse na fully airconditioned na nasa katabing building.
Samantala, this year ay ibinalita ni Mr. Anthony (kanang kamay ni Mommy Pinty) kay Alex na mag-oopen this year ang another 100th branch ng Happy Cup.
Si Mommy Pinty pala ang may hawak ng marketing ng matagumpay nilang negosyong ito. Para sa nais magkaroon ng franchise, bisitahin lang ang Facebook Page ng Happy Cup or mag-email sa franchise.happycup@gmail.com.
***
SIGURADONG makare-relate ang mga manonood especially the mothers na nawalan ng anak sa bagong proyekto ni Direk Reyno Oposa na “Panaghoy Ng Ina.”
Advance Mother’s Day treat ito ng Ros Film Productions. Kwento ito ng mother and daughter na nasagaan at namatay ang anak na batang babae. Nabaliw ang kanyang nanay na ginagampanan ni Cecilia Castillo.
Gumaganap naman ng mother ni Cecilia ang Urduja Best Actress na si Elizabeth Luntayao. Maraming iyakang eksena at ang galing ng acting dito nina Elizabeth at Cecilia, pang award ang kanilang movie.
Mapapanood na ang teaser ng Panaghoy Ng Ina sa Official Youtube channel ni Direk Reyno na Reyno Oposa na may more than 12,000 subscribers na.