Advertisers

Advertisers

Liza hinihinalang buntis, umbok ang tiyan at mabalakang; Erich ikakasal na sa rich non-showbiz bf ngayong March 23

0 239

Advertisers

Ni BETH GELENA

A nang ligtas para mag-deny ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales na siya ay malapit nang ikasal.

Isang netizen ang nakakita ng photos  ng dalawang personalidad, si Erich at ang non-showbiz boyfriend na si Mateo Rafael Lorenzo  sa bulletin board ng marriage bans ng isang simbahan sa Ayala, Alabang.



Naka-sked ang kasal nina Erich at Rafael sa March 23 sa  Saint James the Great Parish Ayala Alabang.

Komento nga ng mga netizen, sobrang napaka-private raw ni Erich pagdating sa personal life.

“Tahimik yun pala ilakasal na.”

Maging nu’ng maging boyfriend daw nito si Mateo ay hindi raw malalaman kung di pa si Kris Aquino ang kumuda sa kanya.

Sobrang lapit kasi ni Erich kay Kris kaya hindi siya nakatanggi nang tanungin siya nito noon kung sino ang guy na sumusundo sa kanya nang naka-helicopter pa.



Si Mateo ang naging kapalit ni Daniel Matsunaga sa puso ng aktres nu’ng magkahiwalay sila.

“Huwaw. Iba talaga kapag maganda, nakakapili ng mapapangasawa. Sene ell neleng.”

“29 lang pala ang guy. Thought he’s in his 30s na. Approved talaga si Erich sa family ano .”

“Ayala-Alabang. Yayamanin.”

“Yes, she probably met him thru the Barrettos when she was still close with Julia. The guy is the brother of Claudia Barretto’s boyfriend, Basti Lorenzo. Not sure tho if si Claudia pa and Basti until now.”

“Not anymore break na”

“rich family yan for sure may pre nup.”

“Actually their family used to run Del Monte and Pancake house. Hanggang na-acquire na ng ibang companies.”

“di ba si Kris din nag match kay erich and daniel matsunaga? i remember this ako ang nahihiya para kay erich kulang na lang pag tulakan ni kris si erich”

“Congratulations! Wow she’s engaged na pala and getting married na.”

“Congrats, sis! Di ka na maghihirap.”

“Self made at mayaman din naman si Erich. Madami siya investments na real estate. Bumili yan sa amin ng lote”

“Mga ate yung yaman ni guy hindi lang pang showbiz. Old rich yung pamilya nila. Si Erich galing naman talaga sa hirap pero nagsumikap para yumaman. Talaga namang di na sya maghihirap. Anong offensive dun? Pag artista ba bawal na maghirap?”

***

ARJO DI MARUNONG UMARTE UMABOT NG 10TH ANNIVERSARY

10TH anniversary na ni Arjo Atayde sa showbiz.

Hindi sukat akalain ni Arjo na aabot siya ng sampung taon sa industriya.

Alaala pa ng aktor nu’ng nag-uumpisa pa lang siya maraming hirap din daw ang kanyang pinagdaanan.

Kilalang mahusay na actress ang kanyang mom na si Sylvia Sanchez pero never siyang nagpatulong dito para magkaroon agad ng magandang proyekto.

Dumaan din siya sa butas ng karayom mapatunayan lang na kaya niyang matawag na isang mahusay na aktor.

Hindi naman nabigo si Arjo.

Sa kanyang pagpupursige to become.a good actor, aba, nakatanggap siya ng mga award from New Actor then Best Supporting Actor to Best Actor sa iba’t ibang award giving bodies dito sa Pinas.

Kinilala na rin ang husay niya sa pag-arte sa buong Asya nang hirangin siyang Asian Best Actor last 2020 via Bagman.

Congratulations Arjo!

***

MARAMING nagsasabing mukhang buntis umano ang magandang aktres na si Liza Soberano.

Ang basehan ng mga Marites ay maumbok daw kasi ang tummy at mabalakang ang aktres.

Komento nga ng mga netizen.

“Ang gaganda at ang gagwapo ng magiging anak nila in the future.”

“Very beautiful inside and out. Ang suwerte ni Enrique.”

Ang mga komentong nabasa nyo ay nang maging abay sa kasal ang LizQuen.

Ginigiit naman ng mga Marites na ‘buntis’ daw si Liza na binase lang nila sa umubok na tiyan ng magandang aktres.

Sey  ng mga Mosang, “Hindi naman sa marites ako, no! Pero parang buntis talaga si Liza. Chinek ko yung mga post niya before pero wala naman akong nakikitang may bukol pero ngayon may bukol na talaga. Ano ba ? Buntis ba talaga?Nagtatanong lang!”

“Parang buntis nga… ‘di ko alam kung shadow lang sa kili-kili or maitim nga na gawa ng preggy.”

“Mala-Janella na din ba siya? Nag-iba na katawan niya. Tapos `yung puson lumaki, parang may 3 months.”