Advertisers
MATAPOS ang ilang araw na pag-iisip ng followers ng 26-anyos na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena sa tunay na sanhi ng pagkamatay nito, kinumpirma ng kaanak ng sikat na social media personality na positibo ito sa coronavirus.
Dagdag pa ng kaanak ni Lloyd na dinapuan ito ng Covid, nahirapang huminga hanggang atakehin sa puso.
Nabatid, Setyembre 1 nang isugod sa ospital ang vlogger dahil sa lagnat at pag-ubo.
Nagpa-swab test ito noong Setyembre 3 at lumabas na positibo siya.
Hindi naman nabahala ang pamilya nito dahil sa normal umano ang mga vital sign ni Lloyd.
Nagulat na lamang ang mga doctor nang makita na hindi na gumagalaw sa kanyang higaan si Cadena dakong 5:00 ng madaling-araw ng Setyembre 4 at kinumpirma na inatake ito sa puso habang tulog.
Maraming kaibigan, kamag-anak at tagahanga ang vlogger na nagulat nang malaman ang nangyari sa kanilang idolo.
Nai-cremate na si Lloyd nitong Sabado at dinala na ang kanyang abo sa kanilang tahanan sa Cavite. (Juliet Pacot)