Advertisers

Advertisers

Umamin na kasi… Janine suot ang polo ni Paulo nang maispatan sa Palawan; Lloydie lantad na ang relasyon kay Isabel

0 277

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA isang posted pic sa social media account ni Isabel Santos na isang artist, makikita si John Lloyd Cruz at anak na si Elias na anak ng aktor kay Ellen Adarna.

Pansin din ang dalawang bata at si Isabel na nasa isang beach ang mag-amang John Lloyd at Elias.



Mismong sa socmed account ni Isabel ay naka post ang kanilang larawan.

Kaya naman ugong-ugong na si Isabel ang bagong apple of the eye ngayon ni Lloydie.

Tahimik pa rin kasi ang aktor sa real score nila ni Isabel pero lagi sila magkasama at ang latest nga ay itong bonding ng mag-amang Lloydie at Elias.

Need na raw lumablife ni John Lloyd dahil ang kanyang mga ex na sina Angelica Panganiban at Ellen ay may kanya-kanya ng lovey dovey.

Deserved din naman ni John Lloyd na maging happy sa kanyang lovelife.



***

MULING naispatan ng paparazzi ang rumored magdyowa na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa Palawan.

Kita ang dalawa na nakasakay sa bangka with lovey dovey Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

For sure aamin na sina Janine at Paulo sa kanilang tunay na status.

Till now kasi ay wala pa rin pag-amin sa dalawa pero lagi naman nahuhuli ng kamera na magkasama.

Mas lalong naghinala ang mga sitsitera nang makita na nakahawak si Paulo sa legs ni Janine habang nakasakay sila sa bangka.

Pero ang mas lalong tumibay ang hinala ng sitsitera nang mapansin ng netizen na ang suot na polo ni Janine ay kay Polo.

Amoy na amoy na nga raw ang relasyon ng dalawa kaya bakit ayaw pa umamin.

Well, well, well…’Yun na!