Advertisers

Advertisers

DILG nagbabala sa mga ‘barangay captain’ na sumasama sa motorcade ng mga pulitiko

0 241

Advertisers

NAGBABALA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa lahat ng mga barangay chairman na huwag sumama sa mga kampanya at motorcades ng national candidates dahil posible silang makasuhan.

Ayon kay Diño, dapat na pairalin ng mga kapitan ng barangay ang pagiging non-partisan at hayaan ang mga kandidato ang manuyo at mangampanya sa mga botante.

Sinabi pa nito na tungkulin ng barangay officials na siguraduhin na sumusunod sa kanilang regulasyon ang mga kandidato at hindi gagawa ng gulo sa kanilang nasasakupan.



Aniya, maaaring kasuhan ang mga chairman sakaling may magreklamo at mapatunayan ang akusasyon.

Hindi dapat na impluwensiyahan ng barangay officials ang kanilang mga nasasakupan dahil may kalayaan ang bawat isa na mamili ng kanilang iboboto.

***

Samantala inabswelto naman ni DILG Secretary Año si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa imbestigasyon sa pagbagsak ng police helicopter sa Real, Quezon.

Sa isang statement, sinabi ni Año na walang pananagutan si Carlos sa pangyayari.



Aniya, sa ngayon ay dapat ituon ang imbestigasyon sa sanhi ng aksidente.

Dagdag ni Sec. Año na hindi na umano kailangang mag-leave ni Carlos habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng napaulat na ang nag-crash na helicopter ay susundo sana sa PNP chief mula sa isang exclusive resort island sa Balesin noong umaga ng Lunes.

Sinabi ni Año na bilang pinakamataas na pinuno ng Pambansang Pulisya, karapatan ni Carlos na gumamit ng PNP chopper lalo na’t sa panahong magkakasunod ang mga schedule ng aktibidad at walang ibang magamit na mabilis na transportasyon.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.