Advertisers

Advertisers

Kubyertos na ginamit ni Joshua sa lugawan, trending!

0 323

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA isang interview sa head ng Star Magic na si Laurenti Dyogi, tinanong siya kung may lugar pa ba sa Kapamilya network ang mga dating talents nila na umalis na sa kanila.
Sabi ni Direk Laurenti,”Unang-una, I would always respect the decision of every individual kasi hindi ko naman hawak iyong buhay ng bawat isa sa kanila.
“I mean, they made their decisions based on their lives’ circumstances, hindi na natin maaano iyon, hindi ko makukuwestiyon iyon kung may pangangailangan sila o may plano sila sa buhay na sa tingin nila, hindi maibibigay ng ABS at Star Magic. That’s their option.”
Pero mas importante para kay Direk Laurenti ang mga alaga ng ABS-CBN na nanatiling loyal sa kanila at hindi sila iniwan.
“But I also like to say na para sa akin, mas importante iyong mga kasama ko ngayon dito.
“I don’t like to even spend my energy and my time thinking about who left because they’ve decided to move on and left.
“I’d like to pour my energy and my focus and my love to the ones who are here kasi iyon naman ang importante, e, iyong kasama mo ngayon sa hirap at ginhawa,” aniya pa.
***
SA Facebook account ng resto na Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery na matatagpuan sa Bulacan, pinost dito na kumain sa kanila si Joshua Garcia kasama si Jeffrey Santos.
Sabi sa post,”Joshua Garcia and Jeffrey Santos kahit sila nasarapan sa AJ bagnet plain rice.
“At ang kutsara na ginamit ni Josh naitabi pa po namin. Kaya tara na island talipapa palmera 588b sjdm. 24hrs po kami.”
Ang daming nag-react lalo na noong nag-comment ang isang may-ari ng resto na sabi niya, “Binebenta po namin ang pinagkainan niya hahaha.”
Narito ang ilan sa mga reaction.
“Pakitabi po ng spoon na ginamit ni Joshua, gagamitin ko po kapag kakain ako dyan. Huwag niyo na po hugasan hahaha.”
“How much po? HAHAHAHAHA!”
“Sabi ko sa inyo kumain na tayo dito, sana nakita ko na si baby Joshua.”
“Pre, kumain din tayo dito buti hindi ako nakilala.”
“Nandito pala kamukha natin malas niya di nya tayo inabutan hahaha.”
O di ba, kaaliw ang mga reaksyon kay Joshua at sa nasabing resto?