Advertisers

Advertisers

Ciara nagpasalamat kay Baguio City Mayor Magalong sa suporta sa Lacson-Sotto tandem

0 321

Advertisers

SA kabila ng kaliwa’t kanang pangangampanya para sa presidential bet niyang si Ping Lacson at amang si Tito Sotto naman para sa vice president, nananatiling fresh si Ciara Sotto.
Sa Instagram post niya, makikita ang saya ni Ciara sa mainit na pagtanggap sa Lacson-Sotto tandem sa Baguio City kamakailan.
Dahil sa suporta ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong para kina Lacson at Tito Sen, nagpasalamat si Ciara.
“Thank you so much Mayor Magalong of Baguio City for taking us on a walking tour of the iconic Session Road. Thank you so much also, for your unwavering support for the #LacsonSotto tandem,” caption ni Ciara sa video post.
Para kay Mayor Magalong, sina Lacson at Sotto na may malawak na karanasan sa pamumuno at may magandang plataporma ang kailangan ng Pilipinas dahil sa laki ng problema ng bansa.
Inilarawan ng alkalde na tila nasa kumunoy ang bansa kaya hindi dapat sumubok sa ibang lider lalo pa’t anim na taon uupo sa puwesto ang mga ito.
Kamakailan ay nag-post din sa social media si Pauleen Luna bilang suporta kina Lacson at Tito Sen na tinawag niyang “men of integrity.”
“My hope is in these two men! Men who fear the Lord, men who values their families, puts our countrymen’s needs first and implements discipline. Men of integrity,” sey ni Pauleen sa caption sa post ng larawang itinaas ng mister niyang si Bossing Vic Sotto ang kamay kina Lacson at Tito Sen.
“Two of the most experienced, with 42 years of public service (their years put together) i believe that they are who our country needs. True leaders lead by example! Competent, passionate, transparent and God fearing,” dagdag pa ng aktres-TV host. (BKC)