Advertisers

Advertisers

Kris balik-honeymoon matapos ang lock-in taping ng serye; JC mas type sa bahay ngayong pandemic dahil sa anak

0 435

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HALOS kakakasal lang noon nina Kris Bernal at mister nitong non-showbiz na si Perry Choi nang biglaang na-sched si Kris na pumasok sa lock-in taping ng seryeng gagawin sa GMA7, ang “Artikulo 247” kasama sina Mark Herras, Rhian Ramos at Benjamin Alves.
Bilang isang professional actress, kahit wala pa sa honeymoon period ay gora ang byuti niya sa venue. Lagpas halos ng isang buwan nang natapos ang kanilang lock in taping kaya ganun na lang kasabik sa isat isa ang mag-asawa na magsama muli physically dahil sa virtual call lang sila nagkakaroon ng komunikasyon.
Si Perry ang sumundo at naghintay kay Kris na lumabas sa venue. Tulad na rin ng ginawa ng mister noon Valentine’s Day na naghintay siya sa misis para maabutan lang ng bulaklak at makita kahit sa malayong distansya.
Sa kanyang socmed account binuhos ni Kris ang kanyang emosyon sa pagka-miss sa mister.
“Reunited after 36 days.
“To my co-workers on the set, thank you for constantly challenging me to reach new heights in my personal and professional skills. Your support, enthusiasm, and encouragement have fuelled these baby embers into a blazing fire.”
Ngayong may time na sina Kris at Perry sa naudlot nilang honeymoon, pagkakaroon naman ng baby kaya ang sunod nilang puntiryahin na mag asawa?
***
HABANG lumalaki ang unica hija ni JC Santos, na magtatatlong taon na this year, unti-unti rin nagbabago ang lifestyle ng binata lalo pa nagiging madaldal at makulit na ang anak niya, na labis na ligaya ang dulot kay JC.
Kaya pag nasa lock-in taping o shooting siya ay super miss ni JC ang kanyang bagets.
“Kasi nakikita mo rin ‘yung pag-develop ng personality niya and you can feel na magiging maayos siya paglaki niya. I also enjoy having a baby ngayong pandemic kasi it’s so much fun.
“You don’t really need to go out anymore. Ansarap ng nasa bahay ka lang with your family. Kung wala sila, baka nabaliw na ako. Iba talaga yung may kausap ka at pinagkakaabalahan ka sa buhay mo,” say ni JC.
Pagdating naman sa kanyang karir ay mas inspired si JC, lalo niyang ginagalingan ang kanyang akting para hindi siya mawalan ng projects. Need na niya kasi kumayod nang husto para sa kanyang pamilya.
Tulad na lang dito sa bago niyang movie with Coleen Garcia, Mark Anthony Fernandez at Diego Loyzaga, ang “Adarna Gang” na streaming na this coming March 20 sa Vivamax, gumanap bilang isang sa 3 magkakapatid na nagplanong patayin si Coleen dahil na rin sa utos ng kanilang ama na ginampanan naman ni Ronnie Lazaro.
“Nakaka-pressure ang buong cast kasi puro magagaling sila, all great actors. But it’s nice kasi nakaka-challenge din for you to give your best. You have to step up, but I enjoyed the whole thing.”