Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NASABI noon ng isang senatoriable na sakaling manalo siya bilang senador sa May 2022 national elections, isusulong niya na mabigyan ang incentives ang artists at film workers na nagbibigay ng karangalan sa bansa tulad ng mga nananalo sa mga prestihiyosong international filmfest.
Katuwiran ng senatoriable, kung ang mga atleta na nananalo ng medal sa Olympics ay nabibigyan ng insentibo, panahon na rin daw na mabigyan din ng financial reward ang mga itinuturing na Pinoy pride sa larangan ng showbiz.
Ayon naman sa Cannes best director at internationally acclaimed filmmaker na si Brillante Mendoza, pabor siya sa nasabing panukala.
Gayunpaman, panahon pa raw nina Gloria at maging ni PNoy, nakakatanggap na rin daw sila ang ayuda at suporta mula sa Film Development Council of the Philippines na sagot ang kanilang plane tickets at accommodation sa pagdalo bilang kinatawan sa mga prestihiyosong international filmfests.
Isa rin sa minimithi ng naturang senatoriable ay ang maibalik ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival sa mga taga-industriya.
Aniya, nararapat lang daw naman iyon dahil ang industrya noon pa man ay mga taga-showbiz talaga ang nag-organisa nito.
Si Direk Brillante na naging hurado rin sa A-list na Cannes filmfest ay balik sa paggawa ng horror film via “Bahay na Pula” na pinagbibidahan nina Xian Lim, Julia Barretto at Marco Gumabao na streaming na sa Vivamax simula sa Pebrero 25.