Advertisers

Advertisers

Sharon inetsapwera si KC sa tag sa socmed

0 213

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY post si Sharon Cuneta hinggil sa gagawin niyang Hollywood film adaptation ng award-winning novel The Mango Bride.

Lumabas ang nasabing Hollywood film adaptation sa Variety magz.



Agad na pinost nito ang magandang balita sa kanyang social media account.

“SURPRISE! Hollywood here comes the PINOYS.!!! Please pray for this project to succeed. My prayer is that it is able to open doors for ALL OF US in the industry. FINALLY!!!”

Ang daming tinag ang Megastar.

Even ang husband niyang si Senator Kiko Pangilinan ay tinag din niya pati ang mga anak nilang sina Frankie at Miel.

Naka-tag din ang mga kasamahan niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan nina Coco Martin at Julia Montes.



At marami pang artista at Kapamilya bosses

Pero kapuna-punang hindi nakasama sa dami ng kanyang itinag ang panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Napansin  ito ng isang mapanuring mata ng Marites.

Komento ng netizen: “Pano ang anak deadma di man lang mag help sa kampanya. Buti pa ibang tao kinakampanya si Kiko eh sya ni post wala.”

“Ako nahihiya for her 😁🤭 bakit need i tag ang sandamakmak na artista sa post nya

Bat nasali si regine at ogie, pops etc jan e singer mga yun haha”

“she wanted them to know that she’s going to be a holywood star na and she would like them to congratulate her lol…”

“Nanotice din namin yung absence nya sa Pinas I thought close sila ni Kiko pero hindi man lang sya tumulong sa campaign.”

“E baka may tampuhan na naman ng slight”

“Ang tanong bakit ang daming naka tag?”

Ang tanong naman ng isa,”Tinag yung ibang artist for promotion or gusto lang i-flex ang Hollywood project?”

Tagged nya lahat ng tao para tlaga mapansin na wla si eldest daughter”

“KC has her own mind, at hindi sunud sunuran kay mader kaya may di maiiwasang may friction. Kaya ayan…Pinamumukha ni Sharon na KC is hindi kasali sa important news niya kuno.”

May nagsasabi namang “Babalik si Kc sa Pinas for Kiko’s campaign. Masyado kayong atat!”

***

MY SISTER IS A STRONG WOMAN — ALEX

HINDI na nakatiis si Alex Gonzaga at nagsalita na rin siya para ipagtanggol ang elder sister na si Toni Gonzaga.

Ramdam niya ang pinagdadaanan ng kapatid dahil below the belt na ang pamba-bash.

Pero bilib siya sa kapatid dahil naha-handle pa raw ni Toni ang lahat-lahat.

Ani Alex sa isang panayam, “Knowing my sister, I know she’s a strong person. And I know hindi siya dadalhin ni Lord doon nang hindi siya ready. So, my sister was bashed even before nung bata pa. She was bullied pre-school pa lang as in hanggang sa pag-aartista niya,” sey ni Alex sa vlog ni Karen Davila.

Dagdag pa ng TV host-actress-vlogger, “During that time, I think she was so equipped and so ready for that and I think that the Lord will not give that to me because I think my sister is stronger, more independent.”

Matatandaang nakatikim si Toni ng sobrang panlalait ng mga netizens nang ipakilala niya si Congressman Rodante Marcoleta, ang isa sa pumirma ng No para wag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Yun daw ang pinagmulan kung bakit nakatanggap ng masasakit na salita si Toni buhat sa netizens.

Pero, bumilib si Alex sa kapatid dahil kinaya raw nitong harapin ang mga dumating na unos sa.buhay nito.

“Matapang talaga ang ate ko as a person. Kaya nga sabi ko, siguro talagang ano siya, she was really born for this kasi kaya niya. Ako, baka ‘di ko kaya pero ang ate ko kayang-kaya niya talaga.”

Sinabi rin ni Alex na ang bashing would be around even without the elections.

“So, mayroon akong awareness sa mga bagay na alam mo ‘yung truth… This is not how my Savior sees me so hindi totoo ‘to,” pagtatapos ni Alex

***

CARLA NAGSALITA NA SA UNFOLLOW ISYU NILA NI TOM

TINAPOS na ni Carla Abellana ang pananahimik sa unfollow issue nila ng mister na si Tom Rodriguez.

First time na nagbigay ng pahiwatig ang aktres hinggil sa pag-unfollow nila sa isa’t isa ni Tom sa Instagram

Sa Instagram Stories ni Carla ipinakita niya ang option sa socmed account na remove follower.

Pinaliwanag ni Carla kung papano ang proseso ng pagtanggal ng follower.

Ani ng aktres: “Hello, everyone! I just needed to inform you all about a feature on Instagram so that you’re all enlightened.

“If you go to a person’s IG account and click the 3 black dots on the upper right, IG actually gives you the option to ‘Remove follower.’

“You can also go to your list of followers and REMOVE from there.”

Ayon pa sa aktres, hindi siya ang tipong mag-a-unfollow ng mahalagang tao sa buhay niya, at pagkatapos ay hindi ito mapaninindigan.

“I find it very ‘grade school’ to unfollow-follow important persons in your life on social media within a short timeframe.

“On the other hand, it may actually be a skillful move if you’re playing a spiteful game,” makahulugang sambit nito.

Pasasalamat ang sumunod niyang post sa Instagram Story: “Thanks for your time, everyone! And always BE CAREFUL.”

Base sa pagsisiwalat ni Carla, hindi niya in-unfollow si Tom.

Samantala, may post din si Tom sa kanyang Instagram Story tungkol naman sa kung bakit nawawala ang likes sa isang Instagram post.

Ani Kapuso aktor:  “When you are blocked by someone you follow (Albeit temporarily), your likes on all their posts are automatically removed.”

Ang siste hindi nagtagal sa IG ang kanyang post dahil agad din niya itong dinelete .

Marami ang naghahangad na muling magkabalikan ang TomCar.

Sayang daw.ang pinagsamahan nila bago nagpakasal kung mapupunta lang daw sa wala ang lahat.