Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HABANG komportable nang namumuhay na mag-isa ngayon sa London ang aktres na si Bela Padilla, tutuparin naman niya ang kanyang pangako sa mga supporters na iniwan niya rito sa Pinas noong nagdesisyon na manirahan na sa ibang bansa at iwanan ang showbiz karir.
Bago pa man ipalabas ang kanyang kauna-unahang directorial job na “366”, na si Bela na rin ang bida kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos na streaming na simula sa April 22 sa Vivamax, muling magbabalik ng bansa si Bela para tumulong sa promotion ng kanyang first directorial movie.
But wait there’s more, tila magtatagal si Bela sa Pinas dahil itutuloy na rin niya ang pagsho-shooting ng isa pang pelikulang nabitin niyang gawin sa pagpasok ng pandemya sa bansa, ang “Spellbound” na pagsasamahan naman nila ni Marco Gumabao.
Sa ginawang virtual presscon para sa “355” ay natanong si Bela sa pamumuhay niya sa London.
“I would say life is good at the moment. I’m enjoying London. I’m having fun here. Medyo back to basics po ako ngayon. Siyempre, wala akong kasama. Nawala lahat ng mga bagay na nagpapakomportable sa buhay ko sa Pilipinas, like wala akong kotse dito. Hindi ako marunong mag-drive sa right side ng kotse, so ayoko siyang subukan,” say ni Bela.
***
BAGO pa man pala na mag-expire ang contract ni Willie Revillame sa programang “Wowowin” at sa hindi inaasahang pagkakataon na hindi muling pumirma si Kuya Wil ng panibagong contract ay nasa plano na ng GMA 7 management na ilagay sa timeslot nito ang game show program na “Family Feud” during weekends pero nagbago ang oras na ito ng naturang game show nang umalis na si Kuya Wil sa Kapuso Network.
Dito na sa dating timeslot ng “Wowowin” ipinasok ang “Family Feud”.
Pagdating naman sa kung sino ang magho-host ng FF ay naging isyu sa mga Kapuso loyalist at naging maingay ang pangalan ni Eugene Domingo bilang bagong host dahil na rin sa pagtatapos sa ere ng kanyang long time show na “Dear Uge” at subok naman ang kanyang pagiging isang magaling na host.
Natuldukan lang ang lahat ng ispekulasyon nang mag-post si Dingdong Dantes ng isang larawan na nakatayo siya sa studio ng FF at nilagyan pa ng caption na, “The stage is set…It’s time to have some Fun!”
Nilinaw din ng management na kahit patok ang pinalit na programa na “Dapat Alam Mo” nina Kuya Kim Atienza, Patricia Tumulak at Emil Sumangil ay alam naman ng buong team nito na pansamantala lang silang mapapanood habang pina-finalize pa ang papalit na programa sa dating timeslot ni Willie.